Publiko binigyan ng tips kontra 'SMShing'
MANILA, Philippines – Itinuturo ang mga kahina-hinalang links sa emails, social media at apps sa biglaang pagtaas kamakailan ng mga kaso ng account takeovers sa mga mobile wallet users.
Gayunpaman, lumalabas sa imbestigasyon na ang pinakamadalas na paraan kung saan pinadadala ang phishing links ay sa pamamagitan ng SMS text messages, o tinatawag na “SMShing”.
Armado ng kanilang mga nakalap na impormasyon mula sa mga manlolokong una nang naaresto, nagbigay ng ilang tips ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at GCash, mula sa kanilang pinagsamang imbestigasyon para tulungan ang mga consumer na makita ang mga paraang ginagamit ng scammers, mga manloloko, at iba pang cybercriminals.
“SMS or texting is one, if not the most, common method scammers use to send malicious links because this can be done without revealing the identity of the scammer since cell numbers can be tricky to track. The possibility of getting victims to tap on these links are very high, especially with consumers who are not tech-savvy, and are just curious,” paliwanag ni AJ Sibal, head of fraud operations ng GCash.
Samantala, nagbigay naman ng ilang tips si PNP-ACG spokesperson P/Capt. Michelle Sabino para maprotektahan ng mga consumer ang kanilang sarili laban sa ganitong modus.
Tip #1. Huwag pansinin ang mga hindi kilalang numbers at email address. Kung ang number ay wala sa iyong contact list o ang email address ay kahina-hinala, huwag na itong sagutin o mag-reply dito.
Tip #2. Karamihan sa mga spam text messages ay nag-aalok ng mga paraan para mabilis na yumaman at kadalasan ay “to good to be true,” katulad ng mga job offers na masyadong malaki ang sahod.
Kadalasan silang hihingi ng mahal na training fees kapalit ng pagtanggap sa trabaho at sasabihin sa biktima na mag-click sa isang link, na magiging sanhi naman para ma-hack ang kanilang mobile wallet accounts.
Tip #3. Iwasang i-click ang mga kahina-hinalang links. Ang mga nagtatapos sa .com, .ph, .gov, at .edu ay kadalasang lehitimo at opisiyal na website ng mga organisasyon. Kung makakakita ng mga hindi pamilyar na website, huwag i-click ang mga ito dahil maaaring ginagamit lang ito ng mga scammers para makakuha ng personal o pribadong impormasyon.
Tip #4. Ugaliing kumuha ng screenshots ng mga kahina-hinalang text messages at online transactions para sa mas madaling paghahain ng reklamo sa pinaka-malapit na presinto.
"The public can reach out to the PNP-ACG through its hotlines at (02) 8414-1560 or 0998-598-8116 or via email at [email protected]. We encourage everyone to report incidents of scams, fraud, and cybercrime," dagdag ni Sabino.
Para isumbong ang mga scams at iba pang ilegal na gawain, maaari ring bisitahin ng mga user ang official GCash Help Center sa help.gcash.com, o mag-message kay Gigi, at i-type ang “I want to report a scam.” Puwede ring tumawag sa GCash hotline na 2882 para sa anumang katanungan at concerns. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang http://www.gcash.com.ph
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.gcash.com.ph.
- Latest