LPA magdadala ng maulap na panahon sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas

Namataan ang naturang LPA sa layong 575 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, ayon sa PAGASA bandang 3 p.m. ngayong Martes.
earth.nullschool.net

MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging low pressure area ang kumpol ng kaulapan sa silangang bahagi ng bansa sa loob ng Philippine area of responsibility.

Namataan ang naturang LPA sa layong 575 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, ayon sa PAGASA bandang 3 p.m. ngayong Martes.

Dulot ng trough ng LPA at Intertropical Convergence Zone, posible ang maulap na panahon sa mga sumusunod na lugar:

  • Bicol Region
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian, Cuyo at Kalayaan Islands)
  • Western Visayas
  • Zamboanga Peninsula

 

 

"Para naman dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng ating bansa ay asahan natin ang maaliwalas na panahon," wika ni DOST-PAGASA weather forecaster Chenel Dominguez.

"Pero may tiyansa pa rin ng localized thunderstorm sa hapon at sa gabi."

Wala pa namang balita mula sa PAGASA kung tuluyan itong magiging isang ganap na bagyo. 

Ang sungit ng panahon na ito ay nangyayari sa kabila ng pagsisimula ng El Niño sa tropical Pacific, panahon kung kailan mas madalas ang "below-normal" conditions na nagdadala ng negatibong epekto sa suplay ng tubig at agrikultura. 

Una nang sinabi ng state weather bureau na inaasahan pa ang pagpasok ng nasa 10 hanggang 14 bagyo sa loob ng PAR sa huling anim na buwan ng taon. — James Relativo

Show comments