^

Bansa

Pagkontrol sa inflation 'pinakamahalagang' isyu sa 63% ng Pinoy — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
Pagkontrol sa inflation 'pinakamahalagang' isyu sa 63% ng Pinoy — Pulse Asia
Shoppers browse through the various canned goods and other food aisles as they do their grocery shopping at a supermarket in Quezon City on Sunday, Sept. 11, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pagkontrol sa inflation ang nag-iisang national concern na "urgent" para sa karamihan ng Pinoy ayon sa Pulse Asia — ito ngayong pinakamabilis sa buong Southeast Asia ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ng survey firm ngayong Martes sa kalalabas lang nilang June 2023 Ulat ng Bayan survey pagdating sa "urgent national concerns" at performance rating ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

"For 63% of the country’s adult population, controlling the increase in the prices of basic commodities is an issue that the national administration must address immediately," wika ng Pulse Asia sa isang pahayag sa reporters.

"Second on the list is increasing workers’ pay (44%) while creating more jobs as well as reducing poverty are considered urgent by almost a third of Filipino adults (31% and 30%, respectively)."

 

 

Ang mga sumusunod ang nakikitang most urgent national concern ng mga Pilipino sa ngayon:

  • pagkontrol sa inflation: 63%
  • pagtaas ng sahod ng manggagawa: 44%
  • paglikha ng mas maraming trabaho: 31%
  • pagsugpo sa kahirapan: 30%
  • paglaban sa katiwalian: 25%
  • pantay pa pagpapatupad ng batas: 16%
  • pagsugpo sa kagutuman: 16%
  • pagtulong sa magsasakang magbenta ng produkto: 15%
  • paglaban sa kriminalidad: 13%
  • pagtaguyod ng kapayapaan: 11%
  • pagsuporta sa maliliit na negosyante: 10%
  • pagpapababa ng buwis: 7%
  • paglaban sa pagkasira ng kalikasan: 7%
  • pagtatanggol sa teritoryo laban sa dayuhan: 6%
  • paghahanda laban sa terorismo: 4%
  • pagtatanggol sa kapakanan ng OFWs: 4%

Maliit o halos wala itong pagbabago kumpara sa mga datos noong Hunyo 2023, lalo na pagdating sa isyu ng inflation at pagpapataas ng sahod ng manggagawa.

"Majority levels of concern regarding the need to control inflation are recorded in all
geographic areas and socio-economic classes (56% to 71% and 62% to 67%, respectively)," dagdag pa ng Pulse Asia.

"The only other majority urgent national concern in these same subgroupings is increasing workers’ pay (51% in Metro Manila)."

Aksyon ng gobyerno

Sa kabila nito, aprub naman ang mga Pilipino sa pagtugon sa 10 sa 13 isyung nabanggit kung majority approval ratings ang titignan noong Hunyo 2023.

"Filipino adults are most appreciative of the administration’s work in the areas of protecting the welfare of overseas Filipino workers (76%) and responding to the needs of calamity-hit areas (73%)," sabi pa ng Pulse Asia.

"The lowest majority approval figures of the national administration are on the issues of enforcing the rule of law (56%), creating more jobs (53%), and increasing workers’ pay (52%). Meanwhile, approval is the plurality sentiment toward the administration’s efforts to reduce poverty (43%)."

Halos pareho ang approval at indecision scores pagdating sa anti-corruption  initiatives ng gobyerno (44% kontra sa 39%).

Halos pantay lang ang porsyento ng mga disapprove (37%) at hindi makapagdesisyon (32%) kung nakapag-perform nang maayos ang gobyerno pagdating sa pagkontrol sa inflation.

Miyerkules lang nang maitala ang 5.4% na inflation rate nitong Hunyo, na sinasabing 13-month low ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa kabila nito, iginigiit ng research group na IBON Foundation na hindi ito nangangahulugang nakahahabol ang sahod ng mga Pinoy sa pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na't pinakamataas pa rin ang inflation rate ng Pilipinas sa buong Southeast Asian region.

ECONOMY

INFLATION

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with