Paglusob ng China sa West Philippine Sea, patuloy na ilalantad ng Pinas

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Task Force on the West Philippine Sea, na ito lang ang paraan para malaman ng internasyunal na komunidad ang mga pambu-bully ng China partikular na sa mga mas maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.

MANILA, Philippines — Patuloy na isasagawa ng Pilipinas  sa buong mundo ang agresyon ng China sa West Philippine Sea at mga paglabag nito sa mga batas sa karagatan sa kabila ng patuloy na pagkaagrabyado sa mga mas malalaking barko ng naturang bansa na nagbabantay sa karagatan.

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Task Force on the West Philippine Sea, na ito lang ang paraan para malaman ng internasyunal na komunidad ang mga pambu-bully ng China partikular na sa mga mas maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.

“It is a tool to make sure Chinese aggressive behavior and bullying activities will be criticized by the international community, so the Chinese government will be able to modify how they act in our waters in the West Philippine Sea,” saad ni Tarriela.

Kamakailan, hinarang at binuntutan ng mas malala­king barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagbigay ng security escort sa mga bangka na naghatid ng suplay sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa may Ayungin Shoal.

Napansin din ng Armed Forces of the Philippines ang pagdami muli ng mga barko ng China na aabot sa 52 Chinese military at fishing boats sa may Del Pilar Reef at Escoda Shoal.

Nakikita ni Tarriela na ang pamamaraan ng China ay paramihin ang kanilang mga barko maging mga bangka sa lugar upang tuluyang masakop ang bahagi ng karagatan.  Marami rin umanong ‘service contract’ sa ngayon sa Del Pilar Reef at Escoda Shoal para sa ‘oil exploration’.

Sa ngayon, kinastigo na ng Estados Unidos ang agresyon ng China, habang nagsalita ang gobyerno ng Italya na nais panatilihin ang malayang paglalayag at kalakalan sa Indo-Pacific region. MANILA, Philippines — Patuloy na isasagawa ng Pilipinas  sa buong mundo ang agresyon ng China sa West Philippine Sea at mga paglabag nito sa mga batas sa karagatan sa kabila ng patuloy na pagkaagrabyado sa mga mas malalaking barko ng naturang bansa na nagbabantay sa karagatan.

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Task Force on the West Philippine Sea, na ito lang ang paraan para malaman ng internasyunal na komunidad ang mga pambu-bully ng China partikular na sa mga mas maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.

“It is a tool to make sure Chinese aggressive behavior and bullying activities will be criticized by the international community, so the Chinese government will be able to modify how they act in our waters in the West Philippine Sea,” saad ni Tarriela.

Kamakailan, hinarang at binuntutan ng mas malala­king barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagbigay ng security escort sa mga bangka na naghatid ng suplay sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa may Ayungin Shoal.

Napansin din ng Armed Forces of the Philippines ang pagdami muli ng mga barko ng China na aabot sa 52 Chinese military at fishing boats sa may Del Pilar Reef at Escoda Shoal.

Nakikita ni Tarriela na ang pamamaraan ng China ay paramihin ang kanilang mga barko maging mga bangka sa lugar upang tuluyang masakop ang bahagi ng karagatan.  Marami rin umanong ‘service contract’ sa ngayon sa Del Pilar Reef at Escoda Shoal para sa ‘oil exploration’.

Sa ngayon, kinastigo na ng Estados Unidos ang agresyon ng China, habang nagsalita ang gobyerno ng Italya na nais panatilihin ang malayang paglalayag at kalakalan sa Indo-Pacific region.

Show comments