^

Bansa

Oplan Balik-Ngiti, babaguhin ang buhay ng libu-libong Pilipino

Pilipino Star Ngayon
Oplan Balik-Ngiti, babaguhin ang buhay ng libu-libong Pilipino
Ang layunin ng programa ay ibalik sa mga Pilipinong nangangailangan ng pustiso ang mga oportunidad at ang kumpiyansa na nawala sa kanilang mga sarili dahil sa pagkawala ng kanilang mga ngipin.
Photo Release

MANILA, Philippines — Walang katotohanan na ang mga may edad lamang ang nagsusuot ng pustiso dahil marami sa mga Pilipino ang napipilitang magsuot nito sa murang edad pa lamang.

Base sa isang pananaliksik noong taong 2014, isa sa tatlong Pilipino ang nagsusuot ng pustiso at karamihan dito ay nasa edad na 50 pababa. Mula din sa National Survey of Oral Health noong 2018, 72% ng mga Pilipino ang nakararanas ng tooth decay na kadalasang nagiging sanhi ng tuluyang pagkawala ng ngipin.

Hindi naman biro ang presyo ng pagpapakabit ng pustiso na nakadepende rin sa materyales at bilang ng ipin na kailangang palitan—mas marami, mas mataas ang halaga—mula P5,000 hanggang P20,000. Kaya naman hindi lahat ng Pilipinong nangangailangan nito ay may pribilehiyong makapagpakabit nito.

Karaniwan ding hindi nako-cover ng social healthcare ang pustiso kaya naman marami ang nagtitiis na lamang na sila’y bungi o bungal dahil sa kakulangan ng panggastos para roon.

Base sa mga nakapanayam ng grupo, iisa ang kanilang dahilan kung bakit hindi sila makapagpakabit ng pustiso noon—problemang pampinansyal. Kaya ang halos lahat sa kanila ay umaabot na ng ilang taong nagtitiis na walang ngipin.

Bukod sa physical aspect, apektado rin ang mental at social aspect ng tao. Maaaring magdulot ito ng trauma at pagkakaroon ng kakulangan sa kumpiyansa sa sarili dahil sa kahihiyan at pangamba sa pisikal na anyo.

Tulad ng nangyari kay Francis na isang 42 taong gulang na tanod. Natanggal ang kanyang mga ngipin dahil sa isang aksidente. Nangyari raw ito noong nagpapadyak-padyak siya at nabangga siya ng tricycle. Doon na raw nagsimula ang hirap na dala ng pagkawala ng kanyang mga ngipin kung saan nadama niya ang malaking hiya sa sarili.

May mga karanasan daw siyang tumatak talaga sa kanya sa loob ng halos 20 taong pagtitiis na walang pustiso. Ibinahagi niya kung paano siya naapektuhan nito pati ang kanyang kabuhayan at kung paano siya naging biktima ng bullying dahil dito.

“Sa pag-aaply ng trabaho, ‘di ka matatanggap dahil sasabihin, ‘magpapustiso ka muna dahil nakaka-discourage sa mga kliyente o customer.’

“Tapos minsan may mga kaibigan akong binu-bully ako dahil bungi raw, walang ngipin, kaya minsan ang ginagawa ko na lang, umiiwas ako para ‘di ako mapaaway. Grabe ‘yung mga pambu-bully din dahil sa ngipin ko e,” kuwento niya.

Wala namang magawa si Francis dahil marami siyang kailangang tustusan gaya ng pagkain ng kanyang pamilya at pag-aaral ng kanyang anak.

“Dahil lang po sa walang budget, priority po muna ang pagkain saka mga importanteng bagay. Katulad ngayon, may asawa na ako at may anak, syempre priority ko muna ‘yung anak ko, sa pag-aaral niya.”

Ang 20 taong gulang namang estudyante na si Edong ay nawalan ng self-confidence ng mawalan ng ngipin dahil sa aksidente, na tumuloy sa pagkabulok na rin ng iba pa niyang ngipin.

Apektado raw ang kanyang pag-aaral dahil hindi na raw siya nakakapag-recite sa school na sanhi ng kanyang kalagayan. Pati raw ang kanyang talent sa pagkanta ay naapektuhan din dahil mayroon daw diskriminasyon sa mga gaya niyang bungi. Balewala raw ang kanyang galing dahil hindi siya ang nilalaban sa mga contest at mas pinapaboran ang mga kumpleto ang ngipin.

“Hindi po ako makapag-recite nang maayos sa school. Kagaya din sa pagkanta, may diskriminasyon,” malungkot na pahayag ni Edong.

Upang matulungan ang mga Pilipino na nangangailangan ng pustiso, kagaya ng mga nakapanayam, nakipagtulungan ang Polident sa mga dental experts mula sa Philippine Dental Association Inc. (PDA) at sa Philippine Association of Registered Dental Technologists Inc. (PARDTI) upang maisakatuparan ang adbokasiyang Oplan Balik-Ngiti.

Ang layunin ng programa ay ibalik sa mga Pilipinong nangangailangan ng pustiso ang mga oportunidad at ang kumpiyansa na nawala sa kanilang mga sarili dahil sa pagkawala ng kanilang mga ngipin.

Naging daan din ang programa upang maituro ang proper denture education upang masigurado ang tamang pag gamit at pag-alaga ng pustiso. Kabilang na dito ay ang paggamit ng mga wastong denture care products kagaya ng Polident  Cleanser upang mapanatiling malinis ang pustiso at ang Polident Denture Adhesive upang matiyak na komportable ang kapit at paglapat ng pustiso sa kanilang bibig.

Maliban sa ginhawa na mabibigay ng proper denture care, ang tamang pangangalaga din ang susi upang mapatagal ang mga pustiso.

Bilang bahagi ng programa, dumayo ang grupo sa 30 magkakaibang barangay sa 10 lungsod/probinsya sa bansa (Manila, Quezon City, Caloocan, Muntinlupa, Dasmariñas, Laguna, Malolos, San Fernando, Cebu, Davao) upang simulan ang pamimigay ng libreng pustiso at denture kits. Sa kasalukuyan, nasa 1,000 na katao na ang natulungan ng Polident Oplan Balik-Ngiti, kasama sina Francis at Edong.

Nang dahil sa programa, malaki na rin daw talaga ang nagbago sa buhay ni Francis. Mas nagkaroon na raw siya ng kumpiyansa at hindi na nahihiyang humarap sa mga kaibigan pati na sa pag-apply sa trabaho.

“‘Yung in-applyan ko nga gusto kong balikan. Gustung-gusto ko silang balikan kasi may ngipin na ako. Dati nahihiya ako kasi wala nga akong ngipin pero ngayon, komportable na ako.”

Napansin din niya ang malaking pagbabago mula nang makabitan nito. Nakakakain na rin daw siya nang maayos matapos niyang magkaroon ng pustiso.

“Ngayon, nakakain na ako kahit matigas na karne katulad ng fried chicken. Minsan syempre hindi natin maiiwasang may matigas na fried chicken, noon hindi ko ‘yun nakakain, minsan sa kabila ko nalang nginunguya, ngayon pwede na sa harapan.“

Sumaludo din si Francis sa sakripisyong ibinigay ng mga tao sa likod ng kampanyang Oplan Balik-Ngiti: “Malaking tulong po katulad sakin na walang ngipin. Ako po’y nagpapasalamat nang buo sa Oplan Balik-Ngiti ng Polident. Saludong-saludo po ako sa kanila sa sakripisyo nilang ibinibigay sa mga tao.”

Bukod sa libreng pustiso ay malaki rin ang pasasalamat nila sa kalakip na pagtuturo sa kanila ng tamang pag-aalaga ng pustiso. Marami raw silang natutunan sa wastong paglilinis at pag-iingat sa kanilang pustiso.

Para sa Polident, may karapatan ang bawat Pilipino sa accessible denture care na kadalasang hindi napagtutuunan ng pansin. Layunin nito na baguhin ang buhay ng maraming Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pustiso sa 1,000 first-time denture wearers at dentures kits sa humigit kumulang 50,000 katao na nakapustiso.

Maliban dito, upang masigurado ang tamang pangangalaga para sa pustiso, ang mga indibidwal na naging bahagi ng OPLAN Balik-Ngiti ay nakatanggap rin ng proper denture care education na maaari nilang maisagawa sa tulong ng mga produkto ng Polident kagaya ng Polident Cleanser at Polident Adhesive.

Sa pamamagitan ng kampanya, ginawang mas accessible ang pustiso para sa ating mga kababayan, at patuloy na tulungan ang mga Pilipino na mas mapaganda ang kalagayan ng kalusugan at kalidad ng buhay nang hindi kailangang magsakripisyo nang wala ang mga ngipin.

POLIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with