MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Republic Act 11953, Biyernes, bagay na magpapagaan sa buhay ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkautang dulot ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na hindi libre.
Ang batas ay kikilalanin bilang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), bagay na tinawag ng presidente ngayong Biyernes bilang katarungan para sa mga magbubukid.
Related Stories
"The law condones all unpaid amortizations, including interests and surcharges, for awarded lands," banggit ni Bongbong.
"The government will also assume the obligation of our Agrarian Reform Beneficiaries for the payment of just compensation to landowners under the Voluntary Land Transfer or Direct Payment schemes, for the benefit of 10,201 ARBs with total payables of P206.5 million."
Aabot sa 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang makikinabang sa bagong batas. Sinasabing papalo sa P57.56 bilyon ang pinagsama-samang unpaid amortizations mula sa principal debt ng mga nabanggit na siyang nagpapayabong sa 1.17 milyong ektaryang lupain sa bansa.
Una nang sinabi ni Rep. Joey Sarte Salceda (Albay) na lalagdaan ni Bongbong ang batas bago ang ikalawa niyang State of the Nation Address.
"Free land distribution must go hand-in-hand with broadening the provision of credit facilities and support services in the form of farm inputs equipment and facilities to our farmers as well as the construction of more farm-to-market roads," dagdag pa ng pangulo habang idinidiing mas kikita rito ang mga magsasaka at magbubunga ng sustainable farming.
'Repormang agraryo naman'
Sinabi naman ng sari-saring magsasaka at peasant advocates na matagal na dapat ginawa ng gobyerno ang condonation ng land amortization payments, ito habang itinutulak ang "Tunay na Reporma sa Lupa" ng Gabriela Women's Party na magbibigay ng libreng pamamahagi ng lupang sakahan.
"This long overdue step towards addressing the financial burden faced by ARBs is a partial victory won through militant mass movement," wika ni Marina Cavan, tagapagsalita ng National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth).
"Genuine land reform is needed to ensure equitable access to land and break the cycle of inequality and oppression among Filipino farmers."
"We call on President and concurrent Agri chief Bongbong Marcos Jr. to recognize the urgency of genuine land reform and take immediate action to address the demands of farmers and ARBs. Only through free land distribution can we create a just and equitable society that promotes the well-being of poor farmers in the Philippines."
9 sa 10 magsasaka 'landless' pa rin
Paliwanag naman ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), bagama't makakatulong ang condonation ng mga utang ay hindi nito matatanggal ang damage na nagawa na ng "bogus" na CARP sa mga nagbubungkal ng lupa.
Bagama't nabigyan ng lupa ang ilang ARBs noon dahil sa CARP, agad daw nawala sa mga magsasaka ang kontrol nito dahil sa koleksyon ng amortization. Wala o kulang rin daw ang natanggap na suporta ang mga magsasaka para maging produktibo ang mga lupa sa porma ng production subsidies, mechanized farm tools, irigasyon, atbp.
Ani Ariel Casilao ng UMA, hanggang ngayon ay pito hanggang siyam sa 10 pesante ang nananatiling walang lupa sa ngayon na siyang nagtutulak sa kanila para magbenta ng lakas-paggawa.
"Dahil walang kaparis na repormang agraryo ang Agrarian Emancipation Act, ine-emancipate man nito ang ARBs mula sa utang, tila ine-emancipate din nito ang mga landgrabber mula sa pananagutan... This policy will certainly benefit farmers, but to work fully, it needs to be coupled with the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB),” ani Casilao.
"Nagpapasalamat tayo sa mga mambabatas na nakinig sa mga pesanteng matagal nang umaaray sa bigat ng amortisasyon sa lupa."
"Pero patuloy natin silang himukin na itawid ang debt condonation patungong tunay na repormang agraryo. Pabor ito hindi lamang sa uring magsasaka, kundi sa buong bansa."