'Kaysa i-ban Barbie movie': Grupo nais mas makabuluhang aksyon vs Tsina
MANILA, Philippines — Hinamon ng progresibong grupo ng mga mangingisda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patindihin ang pagtindig ng Pilipinas karapatan sa West Philippine Sea, ito habang pinag-iisipan ng estadong ipagbawal ang isang pelikulang tila pumapabor sa Beijing sa pag-angkin ng buong South China Sea.
Martes nang kumpirmahin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinag-aaralan nila kung iba-ban sa Pilipinas ang pelikulang "Barbie" (2023) matapos kilalanin sa isang eksena ang nine-dash line claim ng Tsina sa West Philippine Sea.
"A single scene in a film doesn’t have any bearing for what the Filipino fishers believe and stand for — that the West Philippine Sea is indisputably ours and ours alone," wika ni Fernando Hicap, chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), Huwebes.
"The Philippine government should instead popularize in different venues the 2016 arbitral ruling, as a way to uphold our national sovereignty and territorial integrity."
Vietnamese ban sa pelikula
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang i-ban ng bansang Vietnam ang parating na "Barbie" movie dahil din sa isyu ng nine-dash line, lalo na't nag-aagawan din sila ng karapatan sa ilang bahagi ng South China Sea. Sinasabing mayaman ang lugar sa langis, gas deposits atbp. yamang dagat.
Pinag-iisipan na tuloy ng ilang Pilipinong senador na gayahin ang Vietnam bilang pagpalag sa Tsina, na siyang patuloy na umiitsapwera sa 2016 decision ng Permanent Court of Arbitration na nagsasabing exclusive economic zone ng Maynila ang West Philippine Sea.
Pero para sa PAMALAKAYA, may mas magandang magagawa si Bongbong para tutulan ang aksyon ng Tsina kaysa gayahin lang ang Vietnam sa pagharang sa pelikula.
"The Marcos administration would appear much tougher if it directly confronts China every time the latter causes an untoward incident in our territorial waters, rather than picking on a fictional film. For instance, Marcos should protest the recent harassment of Chinese vessel against Philippine Coast Guard in Ayungin Shoal," dagdag pa ni Hicap.
"As for the Filipino fishers, we won't be spending even a minute nitpicking on a detail in a fictional film. We're too busy walking our talk and safeguarding our fishing grounds."
"Marcos should garner international support to pressure China to abide by the 2016-arbitral ruling and ultimately give up its claim over the almost-entire South China Sea, which includes our 370-nautical mile exclusive economic zone (EEZ). This is how the Philippine government can decisively and diplomatically assert our territorial and sovereign rights."
Una nang hinikayat ng PAMALAKAYA si Bongbong na dalhin ang isyu ng panghihimasok ng Beijing sa West Philippine Sea sa paparating na ika-78 na United Nations General Assembly sa Setyembre.
Panibagong harassment ng Tsina
Ika-30 lang ng Hunyo nang "habulin" at "harangan" ng China Coast Guard vessels at militia ang dalawang Philippine Coast Guard ships na nasa isang resupply mission patungo sa Navy ship na BRP Sierra Madre patungong Ayungin Shoal na nasa West Philippine Sea.
Una nang kinundena ng PCG ang hakbang na ito lalo na't paglabag ito sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea. Nasa 100 yards lang ang layo ng mas malaking Chinese Coast Guard noon.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng panggigipit at pananakot ng Tsina sa West Philippine Sea matapos ilabas ang 2016 verdict. Sa kabila nito, nananatiling malapit na magkaibigan sina Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping.
- Latest