Survey: 4 sa 10 Pinoy 'hirap tustusan pangangailanan' sa buwanang sahod

The Department of Agriculture (DA) is studying proposals for President Marcos to declare a state of calamity amid the spread of African swine fever (ASF) in the country.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Gumanda man nang bahagya ang estado ng mga pamilyang Pilipino matapos ang mga pandemic lockdown, marami pa rin ang nagplaplanong maghigpit ng sinturon para tugunan ang mga batayang pangangailangan sa bilis ng pagtaas ng mga presyo.

Ito ang napag-alaman ng Synergy sa pakikipagtulungan ng YouGov matapos nilang i-survey ang 3,479 Pilipinong edad 18-anyos pataas sa buong Pilipinas mula ika-29 ng Marso hanggang ika-5 ng Abril.

"[T]he study showed that 36% of Filipinos reported difficulties in 'meeting their financial needs based on their monthly earnings alone,'" wika ng Synergy sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules.

"While this marks an improvement from the 52% who mentioned this last September 2022, this number is still much higher than the 31% experiened in June 2022 when the economy re-opened."

Enero lang nang umabot sa 8.7% ang inflation rate sa  Pilipinas dulot ng bilis ng pagsirit ng presyo ng pagkain, utilities at pabahay.

Isinapubliko ang pag-aaral matapos bumagal ang June inflation sa 5.4%. Mas mababa man ito sa 6.1% noong Mayo at Hunyo 2022, kapansin-pansing nasa 7.2% pa rin ang average inflation rate para sa unang semestre ng 2023.

"In fact, [seven] out of 10 Filipinos are expected to make cutbacks in household spending over the next 12 months if the contributory factors such as inflation will not improve," dagdag pa ng Synergy.

Ang nabanggit ay bumubuo sa 73% na nagsasabing magtitipid sila sa gastusin sa bahay sa susunod na taon:

  • maliit tatapyasin sa gastusin sa bahay: 40%
  • malaki tatapyasin sa gastusin sa bahay: 33%

Labas dito ay napag-alaman ang sumusunod:

  • hindi magtitipid: 8%
  • hindi pa alam: 11%
  • dati nang planong magtipid: 8%

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na niluluwagan o halos wala nang pandemic restrictions sa pagbubukas ng mga negosyo, bagay na isinagawa simula 2020 bilang pag-iingat laban sa nakamamatay na COVID-19.

Gastusing uunahin ng Pinoy

Bilang pagtugon sa hamon ng mataas na presyo ng bilihin, ilang produkto at serbisyo ang mas gagawing prayoridad ng mga pamilyang Pinoy sa darating na taon gaya na lang ng kalusugan, pagkain, at sanitary care/toiletries.

  • heathcare products at food supplements: 15%
  • sanitary care/toiletries: 8%
  • financial and investment products: 0.05%
  • household cleaning and laundry: -0.35%
  • mobile and internet services: -3%

"As inflation continues to ease up, it is hoped that consumer spending will be unduced further. Right now, it seems that peoiple are putting on a wait-and-see attitude," dagdag pa ng Synergy.

"This presents an opportunity for brands to extend a lifeline to customers by being considerate and not introduce price hikes, extend support to customers by offering products/services that align with their budget, or offer innovative solutions that will provide better value for consumers to spend on."

Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos ianunsyo ng Department of Transportation ang pag-aapruba sa LRT-1 at LRT-2 fare hikes maliban sa petisyon para itaas din ang pasahe sa MRT-3.

Kinatatakot naman ng ilang dalubhasa ang epekto sa inflation ng P40 pagtataas sa minimum wage — bagay na malayo sa P720 na hinihingi ng mga progresibong manggagawa dahil sa hirap ng buhay. — may mga ulat mula kay Ramon Royandoyan

Show comments