Bulakenyo tinamaan P5.95-M lotto jackpot, bagong multi-milyonaryo
MANILA, Philippines — Swerteng makapag-uuwi ng limpak-limpak na salapi ang isang mananaya ng lotto mula sa probinsya ng Bulacan matapos tamaan ang lahat ng numero sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Martes.
Kahapon lang nang ibola ng PCSO ang sumusunod na kombinasyon, bagay na nakuha ng tumaya sa pasugal ng gobyerno: 10-19-31-27-18-25.
"One (1) winning ticket was bought in Bagong Buhay, San Jose del Monte, Bulacan," wika ng PCSO sa isang paskil sa Facebook ngayong Miyerkules nang umaga.
Samantala, wala namang pinalad na manalo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 at 6D Lotto draw na siyang nagkakahalaga ng P49.5 milyon, P32.64 milyon, at P2.91 milyon.
Kahit na P5,940,000 ang jackpot prize, pinaalala naman ng ahensyang nagpapatakbo ng lottery draws na hindi makukuhang buong-buo ng nanalo ang nasabing premyo. Bubuwisan pa kasi ito sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
"Prizes above P10,000 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," paglilinaw ng ahensya kanina.
"All winnings should be claimed within should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund."
Ang charity fund na ito ay ginagamit para makapagbigay tulong sa mga benepisyaryo ng PCSO, kabilang na ang mga pamilya, pamahalaang lungsod at ospital ng gobyerno sa buong Pilipinas. — James Relativo
- Latest