^

Bansa

'13-month low': Inflation rate dumulas pababang 5.4% dulot ng presyo ng pagkain

James Relativo - Philstar.com
'13-month low': Inflation rate dumulas pababang 5.4% dulot ng presyo ng pagkain
Workers lift sacks of rice which will be stored at a warehouse along Dagupan Street in Tondo, Manila on June 26, 2023. President Marcos aims to achieve 97.5 percent rice sufficiency in five years.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Sa ika-limang sunod na buwan, muling bumagal sa pagtaas ang presyo ng bilihin primarya dulot ng heavily-weighted food at hindi nakalalasing na inumin.

"The Philippines’ headline inflation or overall inflation continued to move at a slower pace of 5.4 percent in June 2023 from 6.1 percent in May 2023," wika ng Philippine Statistics Authority ngayong Miyerkules.

"This is the fifth consecutive month of deceleration in the headline inflation and the lowest in the past 13 months."

Mas kalmado rin ang inflation rate na ito kumpara noong isang taon sa 6.1% (Hunyo 2022), bagay na malayong-malayo na mula sa 8.7% noong Enero 2023.

Wika ng PSA, ang downtrend sa overall inflation noong nakaraang buwan ay primaryang naapektuhan ng mas mabagal na taunang pagtaas sa presyyo heavily-weighted food at non-alcoholic beverages (6.7%), bagay na nasa 7.4% isang buwan bago ito.

"The faster annual decrease in transport at -3.1 percent during the month from -0.5 percent in May 2023 also contributed to the downtrend of the overall inflation," sabi pa ng PSA.

"Housing, water, electricity, gas and other fuels was the third main source of deceleration of the headline inflation in June 2023 with 5.6 percent annual growth rate from 6.5 percent in May 2023."

Patuloy din sa pagbagal ang food inflation sa pambansang antas sa ikalimang sunod na buwan (6.7%) dala ng mas mababang annual growth sa karne atbp. hayop sa 0.3% sa naturang buwan mula 3.2% noong Mayo 2023.

Una nang tinaya ng ilang ekonomista ang inflation rate nitong Hunyo nang mas mababa sa 6%, ito sa kabila ng posibleng epekto ng P40 na pagtaas sa minimum wage at El Niño phenomenon sa ekonomiya.

Tinataya pa ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na lalong kakalma sa "below 2%" ang inflation rate pagpasok ng Enero 2024 dulot ng mas agresibong rate hikes na ginawa ng monetary authorities.

Matatandaang inaprubahan ng wage board sa National Capital Region ang P40 umento sa minimum na pasahod, dahilan para umabot na ito sa P61 bawat araw para sa non-agricultural workers.

Bagama't ikinatatakot ng mga ekonomista na mapataas nito ang inflation rate, nakikita ng mga progresibong grupo na hindi pa ito sapat upang makahabol ang sahod sa taas ng presyo ng basic commodities.

FOOD

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with