El Niño simula na: Davao del Sur madadama 'below normal' rains ngayong Hulyo

A farmer checks the dry soil on his farm in this 2019 file photo.
The STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Pormal nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa tropical Pacific, dahilan para maramdaman ang epekto ng mas kaonting pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas simula ngayong buwan na siyang titindi pa at tatagal hanggang 2024.

Pinatataas ng El Niño ang "below-normal" rainfall conditions na maaaring magdulot ng negatibong epekto gaya ng dry spell at drought sa ilang bahagi ng bansa. Ilan sa maaaring umaray rito ang sektor ng agrikultura.

"El Niño is present in the tropical Pacific and will persist until the first quarter of 2024, showing signs of strengthening in the coming months," wika ni Ana Liza Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Climatology and Aggrometeorology Division PAGASA ngayong Martes

"Weak El Niño pa 'yung nararamdaman natin but there are models na mataas po ang probability of more than 56% that El Nino ay pwedeng moderate to strong at least during the last quarter of this year."

Huling nagkaroon ng weak El Niño episode noong 2018 hanggang 2019, dagdag ng PAGASA. Bago ito, naitala ang sumusunod:

  • 2004-2005 (weak)
  • 2002-2003 (moderate)
  • 2009-2010 (strong), pagkatapos ng La Niña

Sa kabila nito, inaasahang magkakaroon ng above-normal rainfall

Below normal rainfall conditions? Saan?

Batay sa forecast rainfall na inilabas ng PAGASA, mararanasan ang below normal rainfall sa mga sumusunod na lugar:

Hulyo

  • Davao del Sur

Agosto

  • Camarines Norte
  • Cebu
  • Southern Leyte
  • Agusan del Norte
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur 
  • Basilan

Setyembre

  • Rizal 
  • Quezon 
  • Marinduque 
  • Romblon
  • Albay
  • Camarines Norte 
  • Camarines Sur 
  • Catanduanes
  • Masbate 
  • Sorsogon
  • Capiz 
  • Quirino 
  • Negros Oriental
  • Bohol
  • Cebu
  • Siquijor 
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga del Sur
  • Zamboanga Sibugay
  • Camiguin
  • Misamis Occidental 
  • Misamis Oriental 
  • Agusan del Norte 
  • Agusan del Sur
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte 
  • Surigao del Sur

Dry spell, drought: Ano pinag-iba?

Paliwanag ng PAGASA, "dry condition" kung maituturing ang below normal rainfalll conditions ng dalawang magkasunod na buwan. Pero hindi lang 'yan ang posibleng mangyari tuwing El Niño.

  • Dry spell: Nangyayari oras na umabot ng tatlong sunud-sunod na buwan ang below normal rainfall conditions o tuwing "way below" normal rainfall conditions ng two consecutive months.
  • Drought: Nangyayari oras na limang buwan nang sunud-sunod na mababa kumpara sa normal ang pag-ulan o kung sobra-sobra na ito sa baba nang tatlong sunud-sunod na buwan.

Below normal rainfall condition ang nangyayari tuwing 21% hanggang 60% ang reduction mula sa average. Nagiging "way below normal" na ito kung umabot na sa mahigit 60% ang nabawas sa pag-ulan.

"Meron po itong possible na implikasyon sa agriculture, water resources and other sectors po na kung saan ito po ang magiging basehan," dagdag ni Solis.

Hunyo lang nang utusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid ng tubig upang mapanatili ang karapatan ng publiko sa malinis na inuming tubig at sanitation sa gitna ng banta ng El Niño.

Show comments