Good health, wish ni Bongbong Marcos Jr. sa inang si Imelda sa 94th bday

Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos sa kanyang ika-94 kaarawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos sa kanyang ika-94 kaarawan.

Sa pahayag ng Pangulo, hangad niya ang malusog na pangangatawan at mga biyaya para sa kaaarawan ng ina.

“Today we celebrate 94 incredible years! Happy birthday, mom! Wishing you more years filled with joy, good health, and abundant blessings,” sinabi pa ni Marcos sa kanyang facebook post.

Noong Mayo 2023 ay sumailalim sa angioplasty ang dating unang ginang at naging mas malakas at maayos na ilang linggo matapos ang matagumpay na operasyon.

Binati rin ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang kanyang biyenan sa kaarawan nito.

Sa Facebook page ni First lady Liza, ay pinost nito ang larawan ng dating unang ginang kasama ang mga anak at apo nito, habang wala naman sa larawan si Sen. Imee Marcos.

Show comments