^

Bansa

Rotary District-3810 handover at induction, idinaos

Pilipino Star Ngayon
Rotary District-3810 handover at induction, idinaos
DG Lilian De La Cruz
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pormal nang nai-induct ang mga bagong opisyal ng Rotary International-District 3810 sa ginanap na Handover and Induction Ceremonies sa Grand Ballroom ng Hotel Sofitel sa Pasay City, kagabi, Hulyo 2, 2023.

Nanumpa bilang bagong go­vernor ng RI-District 3810 para sa Rotary Year 2023-2024 na may temang “Create Hope in the World”, si DG Lilian “Lai” H. De La Cruz makaraan ang matagumpay na pagtatapos ng termino (RY 2022-2023) ni IPDG Joyce Michelle Ambray. Si PDG Paco Atayde ang nagsilbing inducting officer ng bagong governor ng D-3810.

Kasunod nito, pormal na isinagawa ang handover o pagpapasa ng gavel sa pagitan ng new governor na si DG Dela Cruz at ni IPDG Ambray.

Matapos manumpa, tumayong inducting officer si DG De La Cruz para sa Hope Creating Presidents, kabilang na si HCP Daisy Calara Valdez ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP), at sa mga bagong miyembro ng may 118 rotary clubs ng buong distrito.

Kabilang din sa mga nanumpa ang bagong District Executive Secretary (DES) na si PP Marni Y. Sy, at mga Senior Deputy Governors (SDGs) na sina Carlos Chianpian (SDG for TRF), Lily Aguilar (SDG for Public Image), at Ramoncito Ocampo (SDG for Membership).

Nagsilbi namang charging officer ng new members sa induction ceremonies si PDG Tranquil Salvador III, na siyang iniluklok bilang District Learning Facilitator (District Trainer) RY 2023-2024 at District Membership Development Chair for RY 2023-2026.

Sa program proper, si PP Aileen Solidum, Handover and Induction Chairperson ang nagbigay ng welcome remarks habang si DES Marni Sy ang nag-introduce sa DG Lai De La Cruz at si PDG Liza Elorde, chairman ng The Rotary Foundation ang nagprisinta sa mga donors. Nagbigay naman ng closing remarks si HCP Donna Magulabnan ng RC Dasmariñas Cavite na siyang host ng event.

Kabilang pa sa mga bagong SDGs for Operations sina Milgaros Cipriano, Mindoro area; Cynthia Ferrer at Kenneth Khoo, Cavite area; Edmundo Duay at Jojo Mañez, Pasay area; at sina Andrew Buencamino, Garry Pua, Liza Hizon at William Uy, sa Manila area.

vuukle comment

DES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with