^

Bansa

Pangulong Marcos: Walang maiiwang gutom

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Walang maiiwang gutom
Sa kanyang pagsasalita sa ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Davao del Sur, sinabi ni Pangulong Marcos na ang simpleng pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mamamayang Pilipino ay paraan niya ng pagpapaabot ng kanyang pasasalamat.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na nagsisikap ang kanyang administrasyon upang walang maiwang gutom at ang lahat ng mga mamamayan ay magkaroon ng magandang buhay.

Sa kanyang pagsasalita sa ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Davao del Sur, sinabi ni Pangulong Marcos na ang simpleng pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mamamayang Pilipino ay paraan niya ng pagpapaabot ng kanyang pasasalamat.

Isa sa mga programa ng gobyerno para maibsan ang gutom at kahirapan sa mga pamilyang kabilang sa pinakamababang kita ay ang “food stamp” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa unang en banc meeting ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) nitong Biyernes sa Malacañang, ipinag-utos ni Marcos sa mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang “whole-of-government approach” para labanan ang matagal nang problema ng kahirapan sa Pilipinas.

Tiniyak din ni Marcos sa mga mamamayan na ang pambansang pamahalaan ay lubos na sumusuporta sa kanila sa pagtiyak ng tagumpay ng kanilang mga hakbangin “at ang tagumpay ng mga tao at ng lalawigan ng Davao del Sur.”

“Muli, uulitin ko ang aking pasasalamat sa inyong suporta at tulong at pag-alala sa nakaraan,” anang Pangulo.

“Huwag sana po kayong magsawa at kami naman ang aming isusukli sa inyong pagmamahal ay ang aming mga pawis na hindi mauubos hangga’t masasabi natin tapos na ang trabaho, hangga’t masasabi natin wala ng gutom na Pilipino,” dagdag ni Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo na magpapasalamat siya sa mga residente ng Davao del Sur sa patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya, lalo na noong May 2022 presidential elections.

Inulit din ni Pangulong Marcos ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa.

DSWD

FOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with