MANILA, Philippines — Pinagkalooban ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co ng motorized fishing bangka at essential fishing equipment ang may 30 Badjao fisherfolks upang matulungan ang mga itong mapaunlad ang kabuhayan sa pangingisda.
Ang komunidad ng mga Badjao na kilala sa kanilang tradisyon sa pangingisda ay dumanas ng problema na mapalago ang hanapbuhay dahil sa limitadong access sa fishing bancas at essential resources.
Sa paggamit ng motorized bancas ay mas higit na mapaparami ng mga Badjao ang kanilang huli.
Kapapalooban ang fishing equipment package ng nets, lines, hooks at iba pang essential accessories na kailangan sa araw-araw ilang pagtatrabaho.
Bukod dito, may kaloob ding “cash assistance na P15,000 si Co sa bawat mangingisda para magamit nilang panimula sa pagpapalago ng hanapbuhay.
“Ang tulong na ito ay hindi lamang magbibigay sa kanila ng hanapbuhay ngunit magdudulot din ito sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya at kagalingan ng Badjao community,” sabi ni Co.
Isinagawa ang pamamahagi ng certificates sa ginanap na National Irrigation Administration AI Congress sa Legazpi City, Albay.
Pinasalamatan din ni Co ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa matagumpay na pangangasiwa sa paggawa ng 15 motorized bancas.