3-4 bagyo, papasok sa Hulyo - PAGASA
MANILA, Philippines — Inaasahang may tatlo hanggang apat na bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Benison Estareja, climatologist ng Pagasa, ang naturang mga bagyo ay inaasahang tatama sa lupa sa may mainland Luzon at Eastern Visayas.
Sinabi ni Estareja na ang papasok na mga bagyo sa Hulyo ay paiigtingin ng habagat.
Nagbanta rin ang mga eksperto na ang mga bagyo ay magiging malakas at mapaminsala dahil sa patuloy na pag-init ng mundo dulot ng epekto ng climate change.
Ayon sa Pagasa, ang Pilipinas ang isa sa pinaka mahinang bansa sa mundo sa epekto ng kalamidad.
Samantala ang bansa partikular ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Pangasinan ay makakaranas ng mga pag-uulan dahil sa habagat at localized thunderstorms.
- Latest