Salceda dismayado
MANILA, Philippines — Dismayado si Albay Rep. Joey Salceda kay Department of Tourism (DOT) Secretary Cristina Frasco matapos naman nitong iitsapuwera ang Mayon volcano sa promosyon ng turismo sa bansa.
“I remain disappointed in my friend, Secretary Frasco, for the exclusion of Mayon Volcano in the new official tourism video of the Philippines,” pahayag ni Salceda.
Sa kasalukuyan ay patuloy sa pag-aalburuto ang Mayon na nasa Albay. Ang Mayon ay kabilang sa 50 pangunahing bulkan at kabundukan sa bansa.
“I express this frustration because tourism is disproportionately more crucial in Albay, and Bicol at large. This is how thousands of Albayano families make a living. It would not have cost much to include just a scene of Mayon, but it would have meant the world to Albay families relying on tourism for their bread and butter,” punto ni Salceda.
Sinabi ni Salceda na ang Bicol International Airport (BIA) ay kaisa-isang international airport sa South Luzon, ang tinaguriang ‘the most scenic international gateway in the country”. Aniya, kung mapagbubuti pa ang value-for-money ng BIA ay maisusulong ang promosyon sa Mayon at Albay.
Aniya, ang Albay ay isa sa pinakaimportanteng destinasyon ng mga turista sa bansa.
Binigyang diin ni Salceda na ang ekonomiya ng Bicol Region ay nakadepende sa turismo na ang mga dating Kalihim sa DOT ay nagsagawa ng promosyon dito.
“Mayon deserves better than a pixel in the logo where you need strained eyes to see it. Mayon has been a national symbol and a national treasure (one of only three UNESCO-declared biosphere reserves in the country,” ani Salceda.
“Secretary Frasco, ask all your predecessors in the DOT. Mayon deserved better treatment. You failed Albay -- but this can be rectified,” sabi pa ng ekonomistang mambabatas.