^

Bansa

Coin deposit machines inilunsad 

Philstar.com
Coin deposit machines inilunsad 
Screenshot of coin deposit machines.
Screenshot from BSP's Facebook page

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa tulong ng GCash, ang Coin Deposit Initiative na naglalayong matugunan ang kakulangan sa barya, mabawasan ang  produksiyon ng barya, at kasabay nito ay mapaghusay ang sirkulasyon ng pera.

Para pasimulan ang groundbreaking initiative na ito, ang Coin Deposit Machines (CoDM) ay inilagay sa mga nangungunang malls sa Manila kung saan ang GCash ang unang Electronic Money Institution (EMI)  provider na matagumpay na isinama sa CoDM machine.

Ayon sa datos ng BSP, tinatayang may P27 billion na halaga ng barya ang nakatabi sa National Capital Region pa lamang. Ang mga baryang ito ay kadalasang nakatago sa bank vaults, piggy banks at drawers.

Ang Coin Deposit Initiative ay nag-aalok ng kumbinyenteng solusyon sa hamon na kinakaharap ng BSP hinggil sa mga indibidwal na nag-iipon ng mga barya sa bahay. Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, ang mga user ay may pagkakataon na ngayong ideposito ang kanilang mga barya sa machines sa mga kumbinyenteng lokasyon at i-credit ito sa kanilang GCash wallets.

“Bawat barya ay mahalaga. Some will keep their coins in their cars or their cabinets, while others will throw it away. It’s a lot more expensive to produce coins than recirculate them because supposedly, there shouldn’t be any shortage if the coins are being used. So this proves the point that we need to use technology to recirculate the coins,” pahayag ni BSP Governor Felipe Medalla.

Ang GCash bilang EMI provider ay magbibigay-daan sa cash-in acceptance sa strategically deployed machines sa buong NCR at sa mga kalapit na lugar. 

Para sa quarter na ito, target ng BSP na mag-deploy ng machines sa 25 pilot locations, apat dito (SM Mall of Asia, Robinsons Ermita, at Festival Mall) ay inilunsad kamakailan.

Ang GCash ay nagkakaloob ng suporta sa BSP sa pag-waive sa diversion fees at cash in limit upang mahikayat ang mga user na ideposito ang kanilang mga barya.

“We are glad to share BSP’s goal for a healthier circulation of coins. The primary objective of the Coin Deposit Initiative of converting coins into e-money and reintroducing stagnant coins back into the economy is  to cut the cost of minting new coins. With the deployment of CoDMs in key retail locations, users can easily convert their coins and cash in with GCash, without any additional charges,” sabi ni G-Xchange president and CEO Renren Reyes.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BSP

COINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with