^

Bansa

Pfizer bivalent COVID-19 vaccine, aprub ng FDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pfizer bivalent COVID-19 vaccine, aprub ng FDA
Manila Mayor Honey Lacuna oversees the rollout of COVID-19 bivalent vaccines to workers of Sta. Ana Hospital in Metro Manila on June 27, 2023.
Photos by Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Certificate of Product Registration (CPR) ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccine para sa tuluy-tuloy na paggamit nito sa bansa.

Ayon sa FDA, inaprubahan na nila ang CPR ng Tozinameran + Famtozinameran (15 mcg/15 mcg)/ 0.3 mL Dispersion for Injection na may brand name na Comirnaty Original/ Omicron B.A. 4-5.

“This significant milestone marks a crucial step in our nation’s current challenge against the global health crisis,” ayon pa sa FDA.

Balido ang CPR ng limang taon makaraang isailalim ang bakuna sa ekstensibong ebalwa­syon, clinical trials, at pagtataya gamit ang lahat ng “scientific data” at impormasyon na ibinigay ng vaccine manufacturer.

Hinikayat din naman ng FDA ang publiko na manatiling kumpiyansa sa regulatory processes at kumuha lamang ng impormasyon hinggil sa COVID-19 vaccines mula sa mga mapagkakatiwalaang sources upang matiyak na tumpak ang mga ito.

Kamakailan lamang ay opisyal nang sinimulan ng pamahalaan ang pamamahagi ng bivalent vaccines para sa mga healthcare workers upang magkaroon sila ng ka­ragdagang proteksiyon laban sa virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with