MANILA, Philippines — Lumalabas na 62.1% ng mga pamilyang Pilipino ang nagmamay-ari ng "sarili nilang bahay at lupa" at hindi kinakailangang magbayad ng renta — ito ay ayon sa bagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ang ibinahagi ng PSA sa isang pahayag ngayong Martes batay sa resulta ng 2022 Annual Poverty Indicators Survey, bagay na katumbas ng tatlo sa limang pamilya.
Related Stories
Narito ang lumabas na mga numero batay sa nasabing sarbey:
- may sariling bahay at lupa o owner-like possession ng house and lot: 62.1%
- may sariling bahay pero umuupa sa lupa habang pinapayagan ng may-ari: 15.3%
- inuupahan tinitirhang bahay o kwarto kasama ang lupa: 9.5%
- hindi nagbabayad ng upa sa bahay at lupa habang pinapayagan ng may-ari: 8.3%
- may sariling bahay pero hindi nagbabayad ng upa, kahit hindi pinapayagan ng may-ari: 2.5%
- may sariling bahay pero inuupahan ang lupa: 1.9%
"A higher percentage of rural family residents (65.8%) owned the house and lot they occupied compared with urban residents (58.7%). Meanwhile, a higher percentage of urban residents (16.0%) rented the house and lot they occupied compared with rural residents (2.5%)," sabi ng PSA kanina.
"Moreover, families in rural areas (20.4%) with own house in rent-free lot with consent of owner was almost double in proportion compared with those in urban areas (10.5%)."
Karamihan ng mga pamilyang nagmamay-ari ng sariling bahay at lupa ay nakatira sa sumusunod na rehiyon:
- Cagayan Valley: 86.5%
- Cordillera Administrative Region: 79.8%
- Central Luzon: 76.6%
Sa kabila nito, pinakakaonti ito sa mga sumusunod na lugar:
- Western Visayas: 45.6%
- National Capital Region: 51.6%
- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: 52.6%
"By place of residence, more families in rural areas (97.3%) lived in single houses compared to those who resided in urban areas (83.9%)," dagdag pa ng PSA.
"On the contrary, more families in urban areas (10.4%) resided in apartments/accessorias/rowhouses against those who lived in rural areas (1.2%)."
Pinakamarami sa mga pamilyang nakatira sa apartment, accessorias at rowhouses ay matatagpuan sa MIMAROPA (16.9%), Metro manila (12.9%) at Central Luzon (9.3%).
Lumabas ang balitang ito kahit isiniwalat sa pag-aaral ng NetCredit nitong Pebrero 2023 na Pilipinas ang ika-walong bansang may "least affordable" na mga tirahan sa buong mundo kung ihahambing ang presyo nito sa sweldo ng mga mamamayan.
Enero 2023 lang nang atasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Konggreso na isama sa 2023 budget ang pagtulong sa mga benepisyaryong bayaran ang interes sa government housing units.