^

Bansa

'Bakit PAPA?': Gadon bilang 'anti-poverty adviser' binansagang joke time

James Relativo - Philstar.com
'Bakit PAPA?': Gadon bilang 'anti-poverty adviser' binansagang joke time
The lawyer who filed the impeachment complaint against Sereno is even contemplating of disbarring himself.
The STAR/Michael Vargas

MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng isang progresibong grupo ng mga mangingisda ang pagkakatalaga sa suspendidong abogadong si Larry Gadon bilang adviser ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — bagay na nagpapakita raw na "hindi seryoso" ang gobyerno sa pagsupo sa kahirapan.

Lunes lang nang ibalitang itinalaga ni Bongbong bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation si Gadon. Matagal nang kontrobersyal ang dating kandidato sa pagka-senador dahil sa pagkakalat ng disinformation at pagmumura.

"Ang pagtalaga sa isang bastos, salaula, at suspendidong abogado na si Larry Gadon ay nagpapakita ng kawalang-seryoso ni Marcos Jr. sa pagresolba sa laganap na kahirapan sa ating bansa," wika ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo, Martes.

"Katumbas ito ng pagtrato sa kahirapan at sa mga naghihirap na sektor kabilang ang mangingisda bilang isang katatawanan."

Matatandaang pinatawan ng preventive suspension ng Korte Suprema si Gadon matapos maglabas ng video kung saan pinagmumura niya ang isang peryodista habang tinutukoy din ang pakikipagtalik sa aso.

Kilalang loyalista rin si Gadon ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni Bongbong, na nagpatupad noon ng Martial Law na ikinakulong ng 70,000, torture ng 34,000 at pagkamatay ng 3,200 mula 1972 hanggang 1983, ayon sa Amnesty International.

"Ang mga taong katulad ni Gadon ay hindi dapat binibigyan ng puwang sa pamahalaan, lalo pa sa mga krusyal na posisyon tulad ng sa usapin sa kahirapan," dagdag pa ni Arambulo.

"Wala kaming nakikitang ibang dahilan sa pagbibigay ng posisyon kay Gadon kundi isang pampulitikang gantimpala dahil sa pagiging masugid na tagapagtanggol at tagapagtaguyod nito sa pamilyang Marcos sa mahabang panahon. Nakakainsulto at hindi katanggap-tanggap."

Papel ni Gadon sa gobyerno

Ayon sa Malacañáng, parte ng magiging responsibilidad niya ang pagbibigay ng mungkahi sa presidente ng mga istratehiya at polisiya para masugpo ang kahirapan, bukod pa sa pagpapaganda ng buhay ng mga pinakabulnerableng sektor ng bansa.

Makikpagtulungan sya sa iba't ibang ahensya ng gobyerno, non-governmental rganizations atbp. stakeholders para magbalangkas at magpatupad ng mga problema para sapulin ang ugat ng kahirapan.

"His wealth of experience as a corporate executive and legal counsel in diverse sectors, including manufacturing, information technology, realty development, healthcare, resorts and hotels, construction, and trading, will contribute to the formulation of innovative and sustainable poverty alleviation strategies," ayon sa Palasyo.

Gadon: Dismissed na kaso ko ha

Pebrero 2022 lang nang maibalitang hinainan ng mga reklamong kriminal si Gadon dahil sa mga aksyon niya laban sa mamamahayag na si Raissa Robles. Ilan na dito ang diumano'y paglabag niya sa:

  • Section 15 ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act kauygnay ng qualified gender0based streets, public spaces and online sexual harassment
  • Section 4(c)(4) ng RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012, para sa cyber libel
  • Article 353 ng Revised Penal Code o libelo

"Matagal na DISMISSED ['yang] kaso ni Robles. DISMISSED hehe," banggit niya sa reporters kanina.

Una nang ipinakalat ni Gadon kung bakit hindi siya naniniwala sa pagsusuot ng face masks laban sa COVID-19, maliban pa sa ibang disinformation gaya ng pag-suggest na may HIV ang yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kilala rin siya sa pagpapakalat ng disinformation na si dating Sen. Ninoy Aquino ang founding leader ng Communist Party of the Philippines-New People's Army kahit hindi naman.

'Mga dapat gawin vs kahirapan'

Naghahain naman ngayon ng mga mungkahi ng grupong PAMALAKAYA ng mga maaaring gawin ni Marcos kung gusto talaga niyang mapataas ang antas ng pamumuhay ng mahihirap na magsasaka.

Kabilang na rito ang:

  • pagtigil sa mga "mapaminsalang proyekto" sa fishing grounds at coastal communities
  • genuine rehabilitation ng degrading fishing waters
  • economic subsidy sa maliliit na mangingisda laban sa mataas na presyo ng bilihin
  • pagtapos sa liberal na polisiyang nagpapahintulo t sa importasyon ng fisher products na sumasagasa sa lokal na mangingisda
  • pagtataguyod ng exclusive rights ng mga Pinoy sa territorial waters gaya na lang sa West Philippine Sea

Wika ng PAMALAKAYA, ang fisherfolk sector ang may pinakamataas na poverty rate sa 30.6%, bagay na mas mataas mula sa 26.% noong 2018 batay sa datos ng Philippine Statistics Authority. Sunod dito ang mga magsasaka sa 30%.

BONGBONG MARCOS

FISHERFOLK

LARRY GADON

PAMALAKAYA

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with