Galvez ibinalik bilang peace adviser - Malacañang

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. administers the oath of former defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr.
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Ibinalik si dating Defense officer-in-charge Carlito Galvez, Jr. bilang peace adviser ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, itinalaga ni Marcos si Galvez bilang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), kapalit ni Isidro Purisima na nagsilbing acting peace adviser mula noong Pebrero.

Samantala, si Purisima ay hinirang na senior undersecretary sa OPAPRU.

Si Galvez na isang retiradong heneral ng Philippine Army ay nagsilbi rin AFP chief sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging peace adviser siya ni Duterte, coronavirus vaccine czar, at punong tagapagpatupad ng National Task Force laban sa COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya.

 

Show comments