^

Bansa

Kaso ng dengue sa bansa, halos 60K na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng dengue sa bansa, halos 60K na
Litrato ng isang lamok, na kilalang nagdadala ng nakamamatay na sakit na dengue.
AFP/Luis Robayo, File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang bansa ng halos 60,000 kaso ng dengue, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling Di­sease Surveillance Report ng DOH, mayroong 58,444 kaso ng dengue ang naiulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 3, 2023.

Ang bilang ay mas mataas ng 17% kumpara sa 50,092 na naiulat sa parehong panahon noong 2022.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso na nasa 7,410. Sinundan ito ng Davao Region (6,054), at Calabarzon (6,043).

Kung ikukumpara noong 2022, ang mga rehiyong nakapagtala ng pinakamataas na pagtaas ay ang Mimaropa (248%; 1,189 hanggang 4,139), Soccsksargen (130%; 2,147 hanggang 4,934), at Davao Region (107%; 2,928 hanggang 6,054).

Lumabas din sa datos ng Epidemiology Bureau ng DOH na may pagbaba sa dengue-related deaths ngayong taon sa 203 o case fatality rate na 0.35% mula sa 244 na pagkamatay noong nakaraang taon o 0.49 %.

Ang Mimaropa naman ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi na 32, sinundan ng Soccsksargen na 23 at Calabarzon, 17.

Ang dengue ay isang acute viral infection na nakakaapekto sa karamihan sa mga bata at sanggol. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng dengue-infected na Aedes aegypti at Aedes albopictus na lamok.

Nagpaalala ang DOH sa publiko na isagawa ang “4S” strategy para maiwasan ang dengue - secure self protection; seek early consultation; at support fogging/spraying sa hotspot areas o breeding sites ng mga lamok.

vuukle comment

DENGUE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with