78 pares nag-‘I do’ sa kasalang bayan

MANILA, Philippines — Matagumpay na naikasal ang nasa 78 pares na magsing-irog sa ginanap na “Kasalang Bayan” sa Dinalupihan, Bataan, kamakalawa ng umaga.

Ang programa na libreng pagpapakasal ay idinaos sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Dinalupihan sa pangunguna ni Mayor Tong Santos.

Matatandaan na pansamantalang itinigil ang “Kasalang Bayan” dahil na rin sa COVID-19 kung kaya’t ngayon lamang taon na ito muling naisagawa ang naturang okasyon.

Tumayo namang ninong at ninang ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan.

Masuwerte rin ang 10 ikinasal na nabiyayaan ng tig-P5,000 matapos manalo sa raffle sa ginanap na okasyon.

Karamihan sa mga ikinasal ay marami nang anak at katwiran ng ilan sa kanila na inuna muna nila ang pagpapaaral at pagpapalaki sa kanilang mga anak dahil kapos sila sa pera sa magastos na pagpapakasal.

Show comments