P5.768 trilyong 2024 national budget, aprub na ni Marcos Jr.
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.768 trilyong national budget para sa 2024.
Inihayag ito ng Department of Budget and Management matapos ang pulong ng Pangulo at kanyang Gabinete kahapon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang panukalang 2024 national budget ay katumbas ng 21.8% ng Gross Domestic Product (GDP) at 9.5% mas mataas sa kasalukuyang budget na P5.268 trillion.
Tiniyak ni Pangandaman na sa naturang proposed budget ay patuloy na uunahin ang mga programa at plano na nakatuon sa paglago ng ekonomiya na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028, at ang 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon.
Ang National Expenditure Plan ay budget ng gobyerno para sa susunod na taon at sa sandaling maaprubahan ng Kongreso ay tatawaging General Appropriations Bill, na kalaunan ay magiging General Appropriations Act kapag napirmahan na ito ng Presidente.
Isusumite ang pambansang budget para sa 2024 ilang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Sa ilalim ng Konstitusyon, ang National Expenditure Program (NEP) ay dapat maisumite sa Kongreso sa loob ng 30 araw pagkatapos ng SONA ng Pangulo.
- Latest