DOH, PRC nagkasundo sa isyu ng pagkuha ng nursing grads

Newly capped and pinned 3rd year nursing students of the University of Perpetual Help System in Las Piñas gather yesterday for the university’s 43rd thanksgiving and commitment rites.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Department of Health (DOH), Philippine Regulation Commission (PRC) at Board of Nursing (BON) na humanap ng mga solusyong legal para maituloy ang planong pagtanggap sa mga nurse na bagsak sa Board Exams makaraang maharap ito ngayon sa mga balakid.

Nakipagpulong si Health Secretary Ted Herbosa sa mga kinatawan ng PRC at BON nitong Biyernes makaraang makatanggap ang kaniyang plano ng mga kritisismo.

Unang sinabi ng PRC na walang itinatadhanang probisyon sa Philippine Nursing Act of 2002 na maaaring payagan ang plano ni Herbosa.

“I met with the PRC Commissioners and the Board of Nursing and they understand my view and they are there to help me find solutions. There are still many options despite legal limitations which I understand,” saad ni Herbosa.

Una ring tinuligsa si Herbosa ng ilang grupo ng mga nurses na naggiit na unahin ng DOH ang mga nurse na nakapasa sa board na mabigyan ng trabaho dahil sa karapat-dapat sila.

Ayon sa Philippine Nurses Association at Filipino Nurses United, nasa 120,000 pang miyembro nila ang kasalukuyang hindi nagtatrabaho sa field ng nursing.

Show comments