^

Bansa

Mayon, walang naitalang volcanic quake

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayon, walang naitalang volcanic quake
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Walang volcanic earthquake na naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nasa 299 rockfall events naman at walong dome collapse pyroclastic density current events ang naitala.

Mabagal din ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater ang naging aktibidad ng bulkan.

Nasa 574 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 750 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon.

vuukle comment

MAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with