Food stamp program, pinaplantsa na ng DA, DSWD

MANILA, Philippines — Inaayos na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sistema sa ipatutupad na Food Stamp Program ng pamahalaan.

Ito ay upang malaman ang magiging papel ng bawat ahensiya sa nakatakdang rollout ng food stamp program sa bansa.

Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, kasama sa tinatalakay nila ang pagiging bahagi ng mga Kadiwa Store sa Food Stamp.

Sa ilalim ng programa ay bibigyan ng electronic benefit transfer na nagkakahalaga ng P3,000 ang kada pamilyang benepisyaryo upang ipambili ng mga masusustansyang pagkain mula sa DSWD accredited local retailers.

Umaasa naman ang DA na magiging mabunga ang ugnayan sa DSWD lalo pa’t magiging malaking oportunidad ang programa para sa mga magsasaka sa bansa.

 

Show comments