^

Bansa

Taal, Mayon at Kanlaon, tinututukan ng Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taal, Mayon at Kanlaon, tinututukan ng Phivolcs
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Round the clock na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga aktibong bulkan sa bansa partikular na ang Taal sa Batangas, Mayon sa Bicol at Kanlaon sa Negros na patuloy na nagpapakita ng aktibidad.

Sa data ng Phivolcs, nadagdagan ang volcanic earthquakes na naitala sa Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Umakyat din sa 5 ang volcanic earthquakes ng Kanlaon mula sa 2 volcanic quake noong nakaraang araw.

Nananatili rin ang pag­luwa ng Kanlaon ng 1,198 tonelada ng asupre at may katamtamang pagsingaw na umabot sa 300 metro ang taas.

Samantala, nakapagtala naman ang Taal ng malakas na pagsingaw na umabot sa 1,800 metro ang taas at 14 volcanic tremors na tumagal ng 2-25 minuto.

Kapwa nasa alert level 1 ang Kanlaon at Taal.

Samantala, patuloy naman ang pagdaloy ng lava mula sa Mayon na umabot sa 1.5 kilometro at nagkaroon din ng pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro.

Wala namang naita­lang volcanic quake bagamat mayroong 265 rockfall events ang na-monitor at 5 pyroclastic density current events o pagdausdos ng magkahalong abo, mainit na bato, at volcanic gas sa Mayon. Nananatili sa alert level 3 ang Mayon.

vuukle comment

PHIVOLCS

VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with