^

Bansa

CTPL insurance sa mga sasakyan, taasan!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na taasan ang Compulsory Third Party Liability Insurance (CTPL) ng mga sasakyan upang matulungan ang pamilya ng mga namamatay sa vehicular accident.

Ayon kay Lee, plano niyang maamyendahan ang House Bill 8498  o Insurance Code of 2013 at itataas sa P6.7 milyon ang kasalukuyang P100,000 CTPLI kada aksidente.

“Ang masakit dito, nawalan ang mga pamilyang ito ng mga mahal sa buhay, tapos malalaman nila na P100,000 lang ang pwede nilang i-claim sa CTPLI,” ani Lee.

Paliwanag ni. Lee, ang P15,000 na no fault indemnity na makukuha ng isang pasahero o pedestrian na namatay dahil sa vehicular accident ay itataas ng panukala sa P1 milyon kung ang sasakyan ay may gross vehicle weight (GVW) na hanggang 4,500 kilogram; at P2 milyon naman kung ang GVW ay mahigit 4,500 kgs.

“Kung breadwinner ang namatay sa aksidente, hindi po kayang tustusan ng mga halagang ito ang pangangailangan ng pamilyang naulila,” dagdag pa ni Lee.

Ang CTPLI ang nagbabayad sa danyos sa pinaslang na indibidwal o mga indibidwal na nasangkot sa isang vehicular accident.

“Alam po nating hindi matutumbasan ng pera ang buhay ng isang tao. Pero kapag naipasa po ang panukalang batas na ito, mabibigyan ng sapat na bayad pinsala ang lahat ng mga naaksidente at ang kanilang mga pamilya,” dagdag pa ng solon.

BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with