Barko ng Pinas, binuntutan ng Chinese Navy vessels sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Binuntutan ng Chinese Navy ship ang barko ng Pilipinas na BRP Francisco Dagohoy habang naglalayag sa West Philippine Sea nitong Huwebes.
Nangyari ito habang pabalik na sa Palawan ang BRP Francisco matapos magdeliber ng livelihood assistance sa mga residente doon, may 6 nautical mile sa Pag-asa Island na nasa 200-nautical mile Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ang barko ay dalawang oras nang naglalayag mula Pag-asa island patungong Puerto Princesa City, Palawan nang bigla na lamang umanong sumulpot ang kulay abong barko na may bow number 549 at may bandera ng China.
Naka-turned off umano ang Automatic Identification System (AID) ng barko habang lumalapit mula sa likod ng barko ng Pilipinas.
Bukod sa pagsunod at shadowing ay wala namang ibang ginawa ang Chinese navy ship habang naka-alerto naman ang barko ng Pilipinas at pinapanood ang naging hakbang ng dayuhang barko.
“Doon sa action ng Chinese Navy wala naman aggressive maneuver na ginawa,” pahayag ni Lt. Commander Mark Adrias, Commanding Officer ng BRP Dagohoy.
Nagpatuloy naman ang barko ng Pilipinas sa paglalakbay at ligtas na narating ang Puerto Princesa nitong Biyernes ng hapon.
- Latest