30 aftershocks, naitala kasunod ng magnitude 6.3 lindol sa Batangas
MANILA, Philippines — Patuloy na nakapagtatala ng aftershocks ang ilang bahagi ng lalawigan ng Batangas kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol nitong Huwebes na naramdaman hanggang Metro Manila.
Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-6 ng umaga kahapon, nakapagtala na sila ng 30 aftershocks na ang 13 rito ay plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Gayunman, hindi naman naramdaman ng publiko ang naganap na mga aftershocks.
Ang mga naitalang aftershocks ay may lakas na mula magnitude 1.6 hanggang 3.1.
Una nang inanunsyo ng Phivolcs na inaasahan pa ang mga aftershocks sa naganap na lindol.
- Latest