^

Bansa

Komisyon sa Wikang Filipino biktima umano ng 'malware' sa malaswang FB post

James Relativo - Philstar.com
Komisyon sa Wikang Filipino biktima umano ng 'malware' sa malaswang FB post
Blurred na photo ng kontrobersyal na Facebook story ng Komisyon sa Wikang Filipino, ika-15 ng Hunyo, 2023
Mula sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino

MANILA, Philippines — Isa na namang social media account ng gobyerno ang napasakamay ng "hackers," at katulad ng dati, nagpapaskil na rin ito ng babaeng nasisilipan ng maseselang bahagi ng katawan sa kakulangan ng saplot habang nagpapa-sexy.

Huwebes lang nang ipaalam ni Marites Barrios-Taran, direktor heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang naturang insidente. Kagabi lang nang mag-Facebook story ang KWF page kung saan bahagyang nakikita ang dibdib at ari ng babaeng nakasuot ng underwear.

"Ngayong gabi ay namalayan namin na na-hack ang opisyal na Facebook account ng Komisyon sa Wikang Filipino. Humihingi po kami ng paumanhin sa mga nakatunghay sa larawan na hindi angkop na matagpuan sa aming page," wika ni Barrios-Taran kagabi.

"Ginagawa na po namin ang lahat upang maalis ang naturang larawan, ngunit sa ngayon ay  hindi pa namin ma-access ang account. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa."

 

 

Dulot ng 'malware'?

Hinala ng KWF, nagmula ang naturang cyber/network attack dulot ng isang "malware" na posibleng nakapasok daw sa kanilang sistema, bagay na may intensyon daw dungisan ang pangalan ng komisyon.

Ang malware ay isang terminong ginagamit para sa anumang uri ng "malicious software" na dinesenyo para makapaminsala ng anumang programmable device, service o network.

Ayon sa website ng McAffee, madalas itong gamitin ng cybercriminals para makakuha ng datos na magagamit para makakuha ng pera sa mga biktima.

"Kami ay lubos na humihingi ng paumanhin at pag-unawa sa pangyayaring ito," dagdag pa ni Barrios-Taran.

"Kagway namin itong ipaaabot sa NBI-Cybercrime Division at sa DICT para sa kaukulang aksiyon upang matunton ang salarin sa malisyosong panghihimasok sa espasyo ng Facebook account ng KWF."

Wala pang isang buwan nang ma-hack din diumano ang FB page ng Department of Education-Cotabato, dahilan para bahain nila ng videos ng mga nagpapasusong nanay ang kanilang pahina.

Kahalintulad na kalaswaan din ang nangyari sa City Transport and Traffic Management Office - Davao City at Iloilo Police Provincial Office ngayong taon.

Kamakailan lang nang nakapagtala ng 3,000 "high level" cyberattacks ang Pilipinas simula 2020 hanggang 2022, wika ng Department of Information and Communications Technology.

HACK

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

MALWARE

NUDITY

PORNOGRAPHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with