Luzon, Metro Manila niyanig ng magnitude 6.3 lindol

Naglabasan sa mga gusali ang mga estudyante at staff ng Araullo High School sa Maynila (kaliwa), at mga empleyado ng MMDA sa Pasig City matapos yanigin ng magnitude 6.3 lindol ang Luzon na naramdaman hanggang Metro Manila.
Ernie Peñaredondo/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.3 lindol ang mara­ming lugar sa Luzon at Metro Manila, kahapon ng ­umaga.

Ayon sa Philippine ­Institute of Volcano­logy and Seismology ­(Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-10:19 ng umaga na ang sentro ay nasa timog kanluran ng Calatagan, Batangas at may 119 km ang lalim.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Maynila, Mandaluyong, Quezon City, Valenzuela; Malolos, Bulacan; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, Batangas; Dasmariñas, Tagaytay City, Cavite; at Tanay, Rizal.

Intensity 3 sa Pate­ros, Las Piñas, Makati City, Marikina City, Pa­rañaque City, Pasig City; Obando, Bulacan; Laurel, Batangas; Bacoor City, at Imus City, Cavite; San Pablo City at San Pedro City Laguna; at San Mateo, Rizal.

Intensity 2 sa Caloocan City, San Juan City, Muntinlupa City; San Fernando City, La Union; Alaminos City at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan; at Bamban, Tarlac.

Intensity I sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks at mga pinsala kaugnay ng lindol.

 

Show comments