Luzon, Metro Manila niyanig ng magnitude 6.3 lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.3 lindol ang maraming lugar sa Luzon at Metro Manila, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-10:19 ng umaga na ang sentro ay nasa timog kanluran ng Calatagan, Batangas at may 119 km ang lalim.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Maynila, Mandaluyong, Quezon City, Valenzuela; Malolos, Bulacan; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, Batangas; Dasmariñas, Tagaytay City, Cavite; at Tanay, Rizal.
Intensity 3 sa Pateros, Las Piñas, Makati City, Marikina City, Parañaque City, Pasig City; Obando, Bulacan; Laurel, Batangas; Bacoor City, at Imus City, Cavite; San Pablo City at San Pedro City Laguna; at San Mateo, Rizal.
Intensity 2 sa Caloocan City, San Juan City, Muntinlupa City; San Fernando City, La Union; Alaminos City at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan; at Bamban, Tarlac.
Intensity I sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks at mga pinsala kaugnay ng lindol.
- Latest