^

Bansa

Pag-asa Island bantay-sarado ng Chinese Coast Guard

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pag-asa Island bantay-sarado ng Chinese Coast Guard
Pag-asa Island, part of Palawan province, in the disputed West Philippine Sea is controlled by the Philippines despite Chinese claims of sovereignty over it.
STAR / File photo

Mangingisdang Pinoy ‘di na makapalaot

MANILA, Philippines — Nananatiling bantay-sarado ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Pag-asa Island sa Palawan dahilan para maapektuhan na ang kabuhayan ng mga mangingisda na hindi makalayo sa kanilang paglaot.

Ito ang problemang natukoy ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa matagumpay na pagdadala ng mga livelihood assistance sa mga residente ng isla sakay ng BRP Francisco Dagohoy kamakalawa.

Ayon sa mga mangingisda, hindi sila makalayo sa kanilang paglaot dahil sa palagi silang hinaharangan ng malalaking barko ng China kaya nahihirapan na sila na makakuha ng malaking huli.

Ayon pa sa isang mangingisda, may tatlong sandbar sa lugar na mayaman sa isda at nasa teritoryo pa ng Pilipinas ngunit hindi nila marating dahil sa natatakot na rin sila sa banta ng CCG.

Samantala, walang natanggap na radio challenge ang BRP Francisco Dagohoy nang magtungo sila sa isla at magdala ng mga tulong pangkabuhayan sa mga residente.

Isang barko naman ang nakita nila na aali-aligid may isang nautical miles ang layo sa kanila ngunit nananatiling nagmamatyag lamang.

Sa kabila ng problema ng mga mangingisda, umaasa ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na kahit papaano ay napagaan ng hatid nilang tulong ang hirap na nararanasan ng mga residente. Nangako sila na maghahatid pa ng dagdag na mga tulong sa mga susunod na araw.

PAG-ASA ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with