PNP sinalag ang hamon ni Duterte na magbitiw lahat ng pulis
Dahil sa illegal drugs
MANILA, Philippines — Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na nasa tama at sapat ang kanilang ipinatutupad na sistema sa lahat ng pulis.
Ang pahayag ng PNP ay bunsod ng hamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign ang lahat ng mga pulis, kasabay ng pag-aakusa na ang hanay ng kapulisan ay isang ‘gatekeeper’ ng illegal drugs sa bansa.
Ayon sa PNP, nananatiling agresibo ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa katunayan sa buwan pa lamang ng Enero, nakasabat na ang PNP ng kabuuang P6.2 milyon halaga ng droga at nakaaresto ng 25,641 indibidwal.
Ang naturang bilang ay patunay na mayroon silang epektibong anti-crime strategies at programa.
Hindi rin umano tumitigil ang organisasyon sa pagbibigay ng ligtas na environment sa bawat Pilipino, at isang healthy economic environment sa business sector.
Una nang inihayag ni Duterte na sasabihan niya ang mga pulis na i-surrender ang kanilang mga armas, at hayaang militar ang mag-take over sa kampanya laban sa illegal drugs.
- Latest