Hunyo 28, idineklarang regular holiday
MANILA, Philippines — Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ang proklamasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 258 na nilagdaan para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay isa sa “greatest feast” ng mga Islam.
Nakasaad sa Republic Act No. 9849 na ang araw nang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay maaaring ilipat.
Base sa 1444 Hirah Islamic Lunar Calendar, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos ang Hunyo 28, Miyerkules na isang national holiday.
- Latest