^

Bansa

Phivolcs: Pag-aalburoto ng Bulkang Mayon posible 'tumagal ng ilang buwan'

Philstar.com
Phivolcs: Pag-aalburoto ng Bulkang Mayon posible 'tumagal ng ilang buwan'
Mount Mayon spews lava during an eruption near Legazpi city in Albay province, south of Manila on June 11, 2023.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Hindi malayong magpatuloy pa ng ilang buwan ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon habang pinepwersang lumikas ang libu-libong residente kung titignan ang kasaysayan, ayon sa pinakahuling ulat ng volcanologists ng PAGASA.

Linggo lang ng gabi nang magsimulang umapaw ang lava mula sa bunganga ng bulkan, dahilan para mapilitang mag-evacuate ang nasa 13,811 katao.

"Ang nakikita namin right now, it’s following the template of the 2014 eruption, which was a quiet eruption, effusive eruption," ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol, Miyerkules, sa panayam ng TeleRadyo.

"Based on our previous experiences, this activity may persist for a few months. Kapag naman violent yung eruption niya, this will probably just take a few days to weeks. Pero kapag ganitong mabagal, it will probably take several months."

Libu-libong katao ang na-displace nang sumabog ang Mayon mula Enero hanggang Marso 2018. Halos kasing tagal daw ito ng mga nangyaring pagsabog noong mangyari rin ito noong taong 2014.

Kanina lang nang maibalitang umabot sa 221 rockfall events ang naitala sa paligid ng Mayon sa nakalipas na 24 oras, maliban pa ito sa isang volcanic earthquake at pyroclastic density current event.

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang nasabing bulkan, na siyang nagbuga rin ng 723 tonelada ng sulfur dioxide mula Linggo hanggang Lunes.

"Unless i-lower natin iyong alert level natin, we have no choice but yung mga taong nasa permanent danger zone will have to stay muna sa mga evacuation centers. In the first place, dapat walang tao d’yan sa permanent danger zone," dagdag ni Bacolcol.

'90-day evacuation plan'

Naghahanda naman na raw sa ngayon ang Albay provincial government kung saka-sakaling tumagal ng 90 araw ang evacuations kaugnay ng seismic activities ng bagyo.

"Currently, we are looking at a 90-day evacuation," wika ni Eugene Escobar, officer-in-charge ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, sa ANC.

Dati nang umabot ng limang buwan ang paglikas ng mga residente ng Bikol kaugnay ng bulkan, bagay na naging posible raw sa tulong ng national government, international organizations, atbp.

Umaasa sa ngayon sina Escobar na makakukuha ng kahalintulad na pagtugon ang gobyerno atbp. ahensya upang mapatagal ang mga naturang operasyon.

Ipinagbabawal pa rin sa ngayon ng Phivolcs ang pagpapapasok sa anim na kilometrong radius permanent danger zone ng bulkan, pati na rin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Mayon.

Madalas ang mga paglindol at pagputok ng bulkan sa Pilipinas dahil sa saklaw ito ng tinaguriang "Pacific Ring of Fire" kung saan nagsasalubong ang mga tectonic plates.

Bilang tugon, pumalo na sa P25.61-milyong halaga ng ayuda ang inilabas para sa mga nasalanta sa Bikol sa porma ng pagkain, tubig, family tents, hygiene kits atbp. — James Relativo

ALBAY

MAYON VOLCANO

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with