Villar, inihayag ang mithiing food sufficiency sa Pinas
MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Sen. Cynthia Villar ang pangakong pabubutihin ang buhay ng mga magsasaka, titiyaking tutugon ang kanyang legislations sa kailangan ng agrikultura at isusulong ang food security.
Pinangunahan ng senador, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, ang Ribbon Cutting ceremony at opening program ng “The Philippine Poultry Show and ILDEX Philippines 2023” na idinaos sa SMX Convention Center.
Itinampok sa event, ang “cutting-edge technology” at informative seminars na tumutok sa poultry industry, livestock dairy products.
Lumahok dito ang mahigit 100 exhibitors mula sa 20 bansa, kabilang ang mga prominenteng kumpanya na magagaling sa animal health, breeding at hatching, farm production at feed ingredient at additive companies sa Pilipinas.
Sa 19th Congress, sinabi ng senador na isa sa kanyang priority legislations ang “Livestock, Poultry and Dairy Development at Competitiveness Act of 2022,” na mahalaga sa poultry.
“To provide additional support to the livestock, poultry and dairy industry, I am also prioritizing the passage of the Yellow Corn Industry Development Act of 2022,” ayon kay Villar.
Iginiit ng senador na mapaiigting ng dalawang bill na ito ang livestock, poultry at dairy sectors.
Mabibigyan din nito ang backyard farmers ng pagkakataong mapabuti ang kanilang buhay.
Ipinagmalaki rin ng senador na naghain siya ng mga panukala bilang tugon sa isyu ng smuggling.
- Latest