Lahat ng opisyal sa NAIA, sibakin!

Naniniwala si Enrile na dapat nang palitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng NAIA.
Philstar.com / AJ Bolando, File

Inirekomenda ni Enrile

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na tanggalin na sa puwesto ang lahat ng mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magkaroon na naman ng aberya dahil sa pagkawala ng kuryente sa Terminal 3 nitong Biyernes ng hapon.

Naniniwala si Enrile na dapat nang palitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng NAIA.

Naganap ang power interruption noong Biyernes, pasado ala-1 ng hapon, na nagresulta sa pagkaantala sa mga operasyon ng paliparan.

Humingi na ng paumanhin ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa nangyari.

Nauna nang iginiit ni Enrile noong nakaraang buwan na dapat i-overhaul ang mga opisyal na nangangasiwa at nagpapatakbo sa NAIA upang hindi na maulit ang mga kapalpakan sa operasyon.

“Hindi pwedeng sweldo sweldo ka lang. If I were the president I’ll kick your butt,” sabi ni Enrile nang mawalan ng kuryente sa NAIA Terminal 3 noong Mayo 1, 2023.

“Dapat ‘yan total overhaul, take-out, select the best and dedicated people for public service,” sabi pa ni Enrile.

Ipinaalala rin ni Enrile ang nangyaring aberya sa paliparan noong Enero 1, 2023 kaya dapat aniyang may managot na rito.

Show comments