Backlog sa driver’s license umabot na sa 700K
MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si bagong Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa mga healthcare workers na nasaktan sa dati niyang tweet ukol sa mga nagpoprotesta sa kasagsagan ng pandemya. Lumobo na sa 700,000 ang backlog o bilang ng mga driver’s license na nakatengga lang sa Land Transportation Office (LTO).
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, naitanong ni Senator Grace Poe kung nasolusyunan na ba ng LTO ang backlog ng mga ID card ng mga magrerenew at mga bagong driver’s licenses.
Dito ay inamin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na umabot na sa halos 700,000 ang mga nakabinbing driver’s license.
Puna naman ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Francis Tolentino, na sa loob ng isang buwan, sa halip na bumaba ay tumaas pa ng halos 500,000 ang bilang ng backlog ng driver’s license.
Nakwestyon din ni Tolentino si Bautista kung sa susunod na buwan ay aasahan ba ang panibagong kalahating milyon na dagdag na backlog sa driver’s license.
Sagot naman ni Bautista, sa kasalukuyan ay inaayos ang procurement process at sa oras na ma-qualify ang lowest bidder, maaring makagawa ng 500,000 lisensya pagsapit ng Hulyo.
- Latest