Alert level 3 itinaas sa Mayon!
MANILA, Philippines — Itinaas na sa alert level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption) ang estado ng Bulkang Mayon sa Bicol dahil sa patuloy na abnormal na aktibidad ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, tuluy-tuloy ang pagtaas ng bilang at volume ng rockfall events sa bulkan nitong mga nakalipas na araw.
Sa rekord, mula 54 rockfall events noong June 1 hanggang June 4 ay umakyat sa 267 rockfall events ang naitala sa bulkan nitong June 5 hanggang June 8.
Bukod dito, may namonitor ding 2 volcanic earthquake sa Mayon.
Ayon sa PhivolcS, batay sa kanilang overall monitoring parameters, may posibilidad ang magmatic eruption sa bulkan sa loob ng ilang araw o linggo.
Malaki rin aniya ang tiyansa ng lava flow at mapanganib na pyroclastic density current o PDC events sa upper at middle slopes ng bulkan.
Dahil dito, inirekomenda na ng Phivolcs ang evacuation sa 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng PDCs, lava flows, rockfalls at iba pang volcanic hazards. — Jorge Hallare
- Latest