MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong "Chedeng" ang lakas nito habang nananatili sa ibabaw ng Philippine Sea, ito matapos lumakas at naging severe tropical storm.
Naobserbahan ang sentro ng bagyo 1,090 kilometro silangan ng Central Luzon bandang 4 a.m. ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
- Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 115 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
Miyerkules ng gabi nang tuluyang maging severe tropical storm ang sama ng panahon, na siyang posibleng magpalakas sa Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan.
"Chedeng is unlikely to directly bring heavy rainfall over any portion of the country in the next 3 to 5 days," wika ng state weather bureau kanina.
"Although the current forecast scenario for this tropical cyclone may result in the enhancement of the Southwest Monsoon, the timing and intensity of monsoon rains over the country (especially in the western portion) may still change due to the dependence of monsoon enhancement on the forecast movement and intensity of Chedeng as well as its interaction with the other weather systems surrounding it."
Mababa pa ang posibilidad na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ngayon dulot ng malalakas na hangin.
Ang pagpapatindi ng Hanging Habagat sa susunod na araw ay posibleng magdulot ng mahanging panahon sa mga sumusunod na lugar sa Biyernes, lalo na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar:
- Visayas
- Romblon
- Occidental Mindoro
- hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands
- Surigao del Norte
- Dinagat Islands
- Camiguin
Typhoon mamayang gabi
Batay sa forecast ng mga meteorologists, nakikitang mananatiling malayo sa Philippine landmass ang bagyo. Kikilos ito pakanluran hilagangkanluran patungong hilagangkanluran hanggang bukas bago pumihit pakanluran.
"Owing to favorable environmental conditions, Chedeng is forecast to intensify in the next 2 to 3 days and may be upgraded into a typhoon by tonight or tomorrow. Peak intensity may be reached by Saturday," sabi pa ng PAGASA.
Posibleng maging mabagal ang pagkilos ng bagyong "Chedeng" bukas. Muli itong bibilis pagsapit ng Sabado pahilagang hilagangsilangan o hilagangsilangan.