^

Bansa

Bagong DND chief kontra sa peace talks sa CPP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bagong DND chief kontra sa peace talks sa CPP
Gilberto "Gibo" Teodoro Jr. holds his first press briefing as the newly appointed secretary of the Department of National Defense (DND) in Camp Aguinaldo, Quezon City on June 07, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Tutol ang bagong talagang kalihim ng Department of National Defense na si Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa posibleng peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP).

“To enter into peace talks, I have always been against that,” ani Teodoro sa panayam ng ANC.

Para kay Teodoro, lokohan lamang ang nangyayari dahil patuloy pa rin ang mga ito sa kanilang ipinaglalaban at maari pang kumandidato. Aniya, ito ang maituturing na paglabag sa democratic process.

Paliwanag ni Teodoro, kung malakas at matibay ang kanilang mga ipinaglalaban may tamang lugar at political process sa ilalim ng Konstitusiyon.

Hindi dapat na daanin sa anumang karahasan at pakikipaglaban sa ­gobyerno.

“It cannot take up arms and just violate the Constitution, in the same way as we do not want rightists also to take up arms against the government. It works both ways,” ani Teodoro.

Para kay Teodoro na naging DND secretary ng Arroyo administration, ang ipinaglalaban ng CPP ay hindi tungkol sa ideolohiya kundi pagkakaroon ng kapangyarihan.

“The ideology part, I have never been convinced that it is ideological. It’s all getting, taking power for whatever reason. Even in other countries I mean the sole authority of the communist party in other country is a dictatorship in itself,” dagdag pa ng bagong DND chief.

Sa isyu naman ng red-tagging, inihayag ni Teodoro na dapat disiplinahin ang anumang paglabag sa batas.

Pinuri niya ang mga nagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang grupo na iniuugnay sa mga insidente ng red-tagging ng iba’t ibang grupo.

Hindi anya maaaring balewalain ang nagawa ng NTF-ELCAC sa pagbuwag ng communist fronts.

CPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with