^

Bansa

Gibo Teodoro itinalagang DND secretary, Ted Herbosa sa DOH

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gibo Teodoro itinalagang DND secretary, Ted Herbosa sa DOH
President Ferdinand R. Marcos Jr. today appointed lawyer Gilberto C. Teodoro Jr. as Secretary of the Department of National Defense (DND) and Dr. Teodoro J. Herbosa as Secretary of the Department of Health (DOH).
Presidential Communications Office / Facebook Page

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Gilbert Teodoro Jr. bilang kalihim ng National Defense at si Dr. Teodoro Herbosa bilang Health secretary.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang mga appointment ay inihayag matapos ang hiwalay na pakikipagpulong ni Marcos kina Teodoro at Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez, at Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire nitong Lunes ng hapon.

Inanunsiyo ang appointments matapos sabihin ni Marcos noong unang bahagi ng Mayo na may reorganization na mangyayari sa kanyang Gabinete dahil ang appointment ban sa mga natalong kandidato ay natapos noong Mayo 9, 2023.

Si Teodoro ay dating kalihim ng DND sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo mula Agosto 2007 hanggang Nobyembre 2009 at ang pinakabatang naitalaga sa nasabing posisyon sa edad na 43 taong gulang.

Tumakbo siyang senador sa 2022 Elections matapos ang ilang taon na pahinga sa mata ng publiko. Tatlong termino rin siyang miyembro ng House of Representatives nang kumatawan siya sa unang distrito ng Tarlac.

Si Teodoro ay nanguna sa Bar noong 1989 at nagtapos sa University of the Philippines College of Law, may bachelor’s degree sa Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University at Master’s degree sa Law sa Harvard University.

Samantalang si Herbosa ay DOH undersecretary mula 2010 hanggang 2015 sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Naging Regional Director din si Herbosa sa DOH-National Capital Regional Office.

Siya rin ang Executive Vice President ng University of the Philippines System mula 2017-2021.

Sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, nagsilbi siyang Special Adviser sa National Task Force Against Covid-19.

Nauna nang umani ng batikos si Marcos sa kanyang hindi agarang paninindigan sa paghirang ng isang health secretary sa gitna ng isang pandaigdigang pandemya.

Ang DND at DOH ay dating pinamunuan ng mga acting secretaries na sina Galvez, mula noong Enero 2023, at Vergeire, mula Hulyo 2022.

DOH

GIBO TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with