Pagbabalik ng pasukan ng klase sa Hunyo giit sa Kamara
MANILA, Philippines — Naghain ng panukala si Ilocos 1st District Rep. Ronald Singson na naglalayong ibalik sa buwan ng Hunyo ang simula ng klase.
Sa kanyang explanatory notes, sinabi ni Singson na layon ng House Bill No. 8508, na ibalik sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng klase upang maiwasan ang mga abala dulot ng mga pag-ulan.
“While it is difficult to predict the weather due to climate change, the former school calendar is what suits our country best. Should the school calendar be reverted, students, teachers and parents will be spared from the inconvenience and hazards of adverse weather conditions,” ani Singson.
Lumilitaw sa survey ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na karamihan sa mga guro ay hirap sa pagtuturo dahil sa matinding init na nararanasan tuwing summer.
Una na ring sinabi ni Sen.Sherwin Gatchalian, Senate Basic Education Committee Chairman na panahon na upang ibalik muli sa Hunyo ang simula ng klase at gawing Abril at Mayo ang bakasyon upang maiiwas ang mga estudyante sa matinding init.
- Latest