^

Bansa

Pribadong pantalan sa Bataan na nakumpiskahan ng 40K litrong puslit na gasoline ‘di sakop ng PPA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi sakop ng kanilang hurisdiksiyon ang isang pribadong pantalan sa lalawigan ng Bataan, kung saan nasabat ng mga awtoridad ang malaking bulto ng pinaghihinalaang puslit na gasolina.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, mahigpit ang kanyang tagubilin sa lahat ng nangangasiwa sa mga pantalan na sakop ng ahensiya na huwag ipagamit sa kabulastugan ang anumang pasilidad sa nasasakupan ng mga ito.

Kamakailan nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang isang lorry truck at trailer truck na naglalaman ng mga puslit na gasolina sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan.

Nasabat ng BOC sa isang pribadong pantalan sa Bataan na Seafront Shipyard and Port Terminal Services Corporation ang undocumented na 40,000 na litro ng gasolina sa ilalim ng hurisdiksyon at pamamahala ng Freeport Area of Bataan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng BOC, nasa 0% ang fuel marker ng mga nasamsam na gasolina matapos nitong sumailalim sa isang fuel marking test na isinagawa ng testing at certification company na Société Générale de Surveillance (SGS).

Ayon sa BOC, nakatakdang ikarga ang nasabing lorry truck at trailer truck bitbit ang nagkakahalagang P12.5-M na gasolina sa dalawang sasakyang pandagat na Meridian Cinco at MV Seaborn Cargo 7 na kasalukuyan namang sumasailalim sa isang maintenance repair sa shipyard.

“The BOC-Port of Limay will remain committed to further strengthen its anti-smuggling and border control operations to ensure that petroleum products which have not paid duties and taxes will not proliferate in our domestic market,” saad ng BOC.

Ang fuel marking ay ginagamit ng gobyerno upang sugpuin ang pagpupuslit ng mga produktong petrolyo at para mapataas ang revenue collection ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa taxable imported at locally refined petroleum products.

PPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with