^

Bansa

Barko ng USA, Japan na lalahok sa trilateral exercises, dumaong na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Barko ng USA, Japan na lalahok sa trilateral exercises, dumaong na
Ang US Coast Guard at Japan Coast Guard vessels na lalahok sa kauna-unahang ‘trilateral maritime exercise’ kasama ang Philippine Coast Guard, na dumaong kahapon sa Pier South, Manila.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nakarating na ng Pilipinas kahapon ang mga barko ng United States Coast Guard at Japan Coast Guard na lalahok sa kauna-unahang ‘trilateral maritime exercise’ kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).

Dumaong sa Port Area sa Maynila ang Akitsushima (PLH-32) ng JCG at Stratton (WMSL-752)  ng USCG. Pamumunuan ni CG Captain Antonio Sontillanosa ang BRP Melchora Aquino ng PCG, Captain Toru Imai ang Akitsushima at Captain Brian Krautler ang Stratton.

Ang trilateral maritime exercise ay kabibilangan ng mga pagsasanay sa ‘maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection’.

Magkakaroon din ng oportunidad ang mga kababaihan ng PCG, USCG, at JCG para pag-usapan ang mahalagang responsibilidad na kanilang ginagampanan sa pagtataguyod ng maritime law enforcement. 

“We’re eager to join the Philippine and Japan Coast Guards and participate in meaningful engagements with our allies and partners both in port and at sea,” pahayag ni U.S. Coast Guard Capt. Brian Krautler.

Ipakikita umano nila ang propesyunal na palitan ng kaalaman at sanib puwersang operasyon para maipa­tupad ang mga batas sa karagatan para sa ligtas at bukas na Indo-Pacific.

Nasa ikalawang pagpapatrulya na sa Indo-Pacific ang Stratton at isa sa pitong cutter na itinalaga sa Western Pacific mula 2019 para palakasin ang presensya ng USCG sa bahagi ng karagatan.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with