^

Bansa

'Biggest investment scam': Grupo kinastigo pagpasa ng Maharlika bill sa Senado

James Relativo - Philstar.com
'Biggest investment scam': Grupo kinastigo pagpasa ng Maharlika bill sa Senado
Senate President Juan Miguel "Migz" F. Zubiri engages fellow senators in discussion during a brief session break on Tuesday, May 30, 2023.
Senate PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines — Binanatan ng mga grupo ang paglusot ng kontrobersyal na Maharlika Investment Fund nitong Miyerkules, bagay na posibleng magdala raw ng mga pag-abuso sa kaban ng bayan imbis na kaunlaran sa gitna ng mga inamyenda sa panukalang batas.

Nakakuha ang Senate Bill 2020 ng 19 pabor sa legislative measure, isang pagtutol, at isang pag-abstain. Tanging si Sen. Risa Hontiveros ang bumoto laban dito habang nakaliban si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III. Tumangging bumoto si Sen. Nancy Binay dito.

"Our lawmakers just passed a measure enabling the country's largest investment scam. And the government itself is the con artist," sabi ng Akbayan party-list sa isang pahayag ngayong araw.

"This bill shouldn't even exist. Safeguards may be in place now, but a law is only as good as its execution. And we should not be lulled into a false sense of security just because these measures exist in the bill," sabi ng presidente ng partido na si Rafaela David.

Anim na araw pa lang ang nakalilipas nang sertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bill bilang "urgent" sa layunin makatiipon ng "wealth fund" ang gobyerno para palakasin ang ekonomiya sa gitna ng inflation, pagtaas-baba ng presyo ng langis, pananakop ng Russia sa Ukraine, atbp.

Ang Maharlika Investment Corp. — na may inisyal na pondo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Amusement and Gaming Corp. at Land Bank and Development Bank of the Philippines — ay maaaring mag-invest sa equitties, joint ventures, real estate, infrastructure projects, at maaaring mag-isyu ng bonds, securities, atbp.

Una nang inamyendahan ang bill para pigilan ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na mag-invest dito dahil sa takot ng mga senador at pensioners.

"Lalo nga tayong dapat mag-ingat at magbantay. The bill can still change. And it's very possible that they could just re-insert the SSS and GSIS as sources of funding in the final version," dagdag pa ni David.

"Pera ng bawat Pilipino ang nakasalalay dito. Nabudol na tayo ng isang Marcos noon, hindi na dapat ngayon."

'Dapat ibang panukala ang inuna ng Senado'

Ayon naman kay IBON Foundation executive director Sonny Africa, kaduda-duda aniya ang pagmamadaling maipasa ang MIF na siyang proposal ni Bongbong.

Aniya, napakaraming pwedeng batas na direktang pakinabangan ng ordinaryong Pilipino bago pa ito.

"Ilusyon ang sinasabi na kikita ang gubyerno dito. Mas dapat nabigyan prayoridad ang ayuda o wage subsidies, pagsuporta sa mga magsasaka't mangingisda para mas mura ang pagkain, o tulong sa mga nahihirapang [Micro, Small and Medium Enterprises]," ani Africa sa panayam ng Philstar.com.

"Hindi din totoo na kailangan ito para sa imprastruktura. Matagal nang may sistema para diyan sa pambansang badyet, o sa National Devt Corporation, at iba pa."

Dagdag pa niya, hindi tamang kumuha ng pondo mula sa iba't ibang bulsa ng gobyerno lalo na't dapat daw itong gamitin sa mismong ahensyang pinaglagakan nito.

Sa huli't huli, ang pagsentro raw ng Maharlika Fund ay kabawasan sa pinagkukunan "at pagsentro para pagpasyahan na walang pagkilatis kung para saan."

Una nang sinabi ni Pimentel na ang MIC daw ang magdedesisyon dito nang "walang public scrutinity" tuwing deliberasyon ng Senado at Kamara.

AKBAYAN

BONGBONG MARCOS

IBON FOUNDATION

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with